Until Forever 2

398 36 3
                                    


Mabigat ang mga mata nya pero pinipilit nyang idilat ang mga ito. Gusto nyang gumalaw pero tila ba nakapako ang katawan nya sa kung san man sya nakahiga ngayon, sa sahig ba to? Pero naramdaman nya na malambot ang hinihigaan nya kaya naisip nyang nasa kama nya lang sya. Wala syang maalala sa mga nangyari nung nagdaang araw pero ramdam nya lang ang bigat sa katawan. Ng tuluyan na nyang maidilat ang mga mata'y puting pintura ang bumungad sa kanya kaya npakunot ang noo nya. She feels uncomfortable pero naramdaman nyang may oxygen palang nakakabit sa ilong nya. Sinubukan nyang igalaw ang mga daliri ng unti-unti. Medyo masakit din ang ulo nya kaya di na nya pinilit pang isipin kung ano ba ang totoong nangyari sa kanya.

"You're awake." Narinig nya ang isang pamilyar na boses at napatingin sya dito. Napakunot lalo ang noo nya, hindi matanto kung tama ba ang nakikita nya. Andito ba talaga sya?

"Patay na ba ako?" Pabulong niyang tanong habang hindi inaalis ang tingin sa taong kaharap, inaabangan kung mawawala ba ito mayamaya.

"Muntik na." Rhian answered sighing. Then Glaiza realized, nasa tabi nga nya ang asawa. "But thank God you're alive." Dagdag pa nito habang nilalagyan ng unan ang likod nya para maayos syang makaupo. "May masakit ba sa'yo?" Napangiti lang si Glaiza sa tanong na yun.

Napansin nyang medyo naiinis na ang kaharap pero hindi nito pinapahalata. She just knew her wife too well. "Nagtanong pa ako, astig ka nga pala."

"Ako pa." Biro nya ulit pero naguguluhan pa talaga sya kung si Rhian ba talaga tong kasama nya, epekto siguro ng mga gamot na binigay sa kanya. Tinaas pa nya ang mga kamay at sinundot sundot ang mukha ng kaharap na kinagulat naman ni Rhian. "Totoo ka ba?"

"Of course I'm real! Anong akala mo sa akin? Aparisyon?" May halong inis ng sagot ni Rhian. Hindi na ata nakapagtimpi pa.

Magbibiro pa sana sya ng maalala ang mga nangyari sa kanila nung mga nakaraang taon. A sudden ache came back and it's more painful than the wounds she has now.

"Anong ginagawa mo dito Rhian?" Mas malamig pa sa yelong tanong nya ulit dito. Napansin nyang tila ba nagulat si Rhian sa tanong nyang yun. Hindi nya inaalis ang mata sa kaharap habang hinihintay ang isasagot nito.

"Wow, someone came to see you right after she knew that you're hurt. Why can't you thank her at least?" There's sarcasm sa mga salitang yun mula kay Rhian, napikon na siguro talaga.

"Talaga ba?" Tanong nya ulit, ayaw patatalo sa asawa just the stubborn one as she is. May sasabihin pa sana sya ng bigla nyang maramdamang parang umikot ang paningin nya. Parang hihimatayin sya sa sakit na nararamdaman at tila ba wala syang marinig sa paligid nya. The monitor beside her started beeping alam nya yun, naririnig nya ring nagsasalita si Rhian pero di nya maintindihan kung ano. Sinubukan nyang buksan ang mga mata pero wala na syang nagawa, nabalot na ito ng dilim. She passed out.

******

Hinimatay si Glaiza dahil sa pagod at mild concussion, pero sabi ng doctor ay normal lang daw yun lalo na sa mga pasyenteng gaya nya na nakaranas ng body trauma. Rhian was relieved when she heard that. Hindi nya alam ang gagawin pag may nangyaring di mabuti kay Glaiza lalo na't sya lang ang kasama nito.

Mag-aalas diyes naman ng umaga ng dumating si Nadine na may dalang kape at take out food mula sa katapat na restaurant ng hospital. Sabay silang kumain and talked about things. She's glad na kahit hindi maganda ang kinahantungan nila ni Glaiza ay hindi nabago ang pakikitungo ng kapatid nito sa kanya. Nadine and she are already friends bago pa man nya makilala ang dating asawa. Tinutulungan nya ito paminsan sa mga kasong hinahawakan at ganun din naman ito sa kanya. Sila lang naman talaga ni Glaiza ang nagkalamat pagkatapos ng mga nangyari sa kanila.

Ng matapos sila sa pagkain ay nagpasya na rin si Rhian na umuwi muna para makapagpalit ng mas komportableng damit. She's still wearing the white shirt since yesterday and she knows she needs to freshen up.

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon