Nakangiting nagmulat ng mga mata si Rhian kinabukasan. Di lang dahil sa pagtatapat na ginawa ni Glaiza kagabi kundi dahil mukhang tinotoo nga nito ang sinabing liligawan sya. Paggising kasi nya agad bumungad sa kanya ang tatlong gumamela na alam nya kung saan pinitas, may kasama pa itong maliit na sulat na alam rin nya kung saang notebook pinunit. Pero hindi na nya pinansin ang mga iyon dahil ang mas mahalaga ay ang nakasulat dito.
Right in time, you came into my life,
Hopefully you'll stay here till the end of time.
I may be crazy but gumybie what I feel for you is true,
And how I wish you feel the same way too..for
Noone can take this love I have for you, that you should know.
P.S. What's the secret code?nyahaha
Good morning gumybie ko, I hope this poem will make you smile.
-Cha
Mabilis syang bumangon pagkatapos basahin ng paulit ulit ang tulang sinulat ni Glaiza para sa kanya. Simpleng tula lang naman iyon, but that was one of the sweetest gesture Glaiza has done at pangalawang tula na iyon ng rakista para sa kanya. "Sagutin ko na kaya?" she thought to her self. "H'wag, pahirapan muna natin ng konti. Let's see kung hanggang saan ang gagawin nya." Bulong naman ng isang bahagi nya. Natawa na lang din sya sa sarili dahil sa halo halong emosyong nadarama.
"Te, para kang ewan." Tinig ni Nadine iyon na nakapasok na pala ng kwarto para tawagin sya ang nagpabalik ng diwa nya.
"Anong ginagawa mo dito? Panu ka nakapasok?" Irap nya sa kapatid para maitago ang pagkapahiyang nararamdaman nya dahil sa pagkahuli nito sa kanya.
"Excuse me, nasa kwarto ko po kayo baka nakakalimutan nyo dahil nakitulog lang naman po kayo kagabi dahil nasa kabilang kwarto ang jowa nyo." Sabat naman ni Nadine at bigla na lang nyang naalala na hindi na pala nya pinauwi pa kagabi si Glaiza at dun nya na lang pinatulog sa kwarto nya.
"Oo nga pala, asan sya?"
"Nasa baba, kausap si mama." Sagot ng kapatid na may nakakalokong ngiti. "At pinapapasabi ni mama, bumangon ka na daw dyan." at agad itong tumalikod ulit para hayaan syang makapag-ayos.
Ng makababa na sya ng kanilang hapag, nakita nyang kumakain na ng agahan ang mama nya at si Nadine kasama si Glaiza. At tulad ng nakaraang araw, ay masaya ang kwentuhan ng mga ito. Mukhang giliw na giliw nga ang mama nya kay Glaiza dahil sa nakikita nyang reaksyon nito habang kausap ang bisita.
"Mabuti naman at nagising ka na. Kanina ka pa hinihintay nitong si Glaiza." Bungad ng mama nya sa kanya ng makaupo na sya sa harap ng hapag.
"Actually tita kasalanan ko naman po talaga, late na rin po kasi syang nakatulog." Salo naman ni Glaiza sa kanya. "Kumain ka na, tumulong akong maghanda nyan, ako din ang bumili ng pandesal sa labas." Glaiza smiled at Rhian habang nilalagyan ng pagkain ang plato ng huli. Rhian smiled back and noticed na nakapagpalit na ito ng damit.
"Ate, pasalubong ko pag-uwi nyo galing Cebu ha." Putol ni Nadine sa titigan ng dalawa.
"Cebu?" Naguguluhang tanong Rhian at napabaling ng tingin kay Glaiza na sobrang tamis ng ngiti.
"Nagpaalam kasi si Cha kung pwede daw ba kayong pumunta ng Cebu dahil may show daw sila dun kaya pumayag na ako. Matanda ka na rin naman, kaya nyo na sarili nyo." Ang mama na nya ang sumagot sa tanong nyang iyon.