I opened my eyes when I heard my phone ringing which is just on top of the table beside me. Ayaw ko pa sanang bumangon dahil inaantok pa ako, madaling araw na kasi kami nakauwi ni Gumybie matapos tulungan ang batang biktima ng hit and run kagabi. Honestly, di ko rin alam kung saan ko nakuha ang tapang para tulungan ang batang iyon. Sobrang takot ako sa dugo at injection mula ng bata pa ako but last night was different. I mean, mula ng makilala ko si Rhian parang nawala na rin ang takot ko. Hindi na ako namumutla pag may nakikita akong sugat lalo na pag nasa tabi ko sya. She took those fears away, and I'm just so lucky that she's with me. I can't imagine life without her, at sobrang saya ko ng mapapayag ko syang wag ng bumalik ng Dubai. I love her so much at di ko kayang magkalayo kami.My phone rang again at iyon ang nagpatigil sa pag-iisip ko. It was Kylie calling, and so I answered it dahil baka importante ang tawag na iyon. Di kasi ako nakauwi dahil di na ako pinayagan ni Rhian na magmaneho pa.
"Hello?" Medyo antok pa ang boses ko ng sagutin ang tawag.
"Glaiza!" Sigaw nya na syang nagpagising ng tuluyan sa'kin. "Bayani ka talaga bespren, I'm so proud of you." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya, anong bayani ang pinagsasabi nito? "Napanood ka namin sa news, grabe nakaya mo talaga iyon ha. Idol na kita."
"Anong news ang pinagsasabi mo ha?" I asked.
"Iyong pagtulong nyo sa batang nasagasaan kagabi. Grabe, ikaw na talaga."
"Ewan ko sa'yo, at bat nalagay pa sa news? Nakakahiya tuloy." Kamot ulo kong sagot dahil totoo naman. Bat pa kailangang ibalita ang mga ganung bagay?
"Anong nakakahiya dun ha? Dapat nga maging proud ka dahil hero ka na." Pakikipagtalo nya sa'kin.
"Kylie Nicole, kahit kailan dapat hindi mo pinagyayabang ang pagtulong sa kapwa. If you brag your good deeds, then its not sincere. At anong hero ang pinagsasabi mo dyan? Everyone can be a hero in their own little way. Ikaw hero ka din dahil kahit inaasar mo ako lagi eh napapasaya mo din naman ako."
"Naku naman, ang ikli ng sinabi ko pero ang haba ng sinagot mo." Napangiti ako sa sinabi nyang iyon. "So panu, kita na lang tayo sa practice mamaya? Magdala ka na rin ng pizza para makapagcelebrate tayo ng heroism natin. Bye Super Glaiza." She added laughing, kahit kelan talaga ang babaeng to.
"Sira." Sagot ko kahit alam kong wala na sya sa kabilang linya.
Agad akong nag-ayos pagkatapos ng tawag ni Kylie dahil alam kong tanghali na at naghihintay na si Rhian sa baba. And i know I'm right dahil kahit pababa pa lang ako ng hagdan ay rinig na rinig ko ang tawa ng nobya ko at ng mga kaibigan nyang nasa Dubai habang nagvivideo call. Sasali sana ako sa usapan pero nagbago isip ko ng marinig kong kinukumbinse nila si Rhian na bumalik na ng Dubai.
"Yon, bumalik ka na kasi dito, naghihintay na trabaho mo at ang mga pasyente hinahanap ka na rin." It was Chynna trying her best to convince Rhian.
"Guys, may trabaho na ako dito. Isa pa bumabawi pa ako ng oras na kasama sina mama." Rhian answered and her friends just sighed.
"Anong trabaho? Iyang pagiging call center agent mo?" It was Bianca now, at alam kong medyo naiinis na sya dahil sa tono ng pagsasalita nya. "Naman Rhian registered nurse ka, alam kong ok naman iyang trabaho mo ngayon pero Rhi sayang ang pagiging nurse mo kung di mo gagamitin. Isa pa, nagsalamin ka na ba? Malaki ang binawas ng timbang mo oh."
"Alam nyo namang mahirap maghanap ng pwedeng pagtrabahuan dito di ba? At kahit makapasok man ako sa hospital ay hindi pa rin iyon sasapat sa pag-aaral ni Nadine at ng maintenance na gamot ni mama." Rhian answered softly, bakas ang lungkot sa boses nito.
"Ang sabihin mo, ayaw mo lang malayo sa magandang pogi mong jowa." Pagbibiro ni Chynna at medyo napangiti din ako dun.
"But Rhi, sobrang in love ni Glaiza sa'yo and I think she'll understand pag bumalik ka ulit dito para kina tita at Nads." Bianca added.