May 11, 2015 Sent at 18:25
Sent via Boomerang
ggalura0121@gmail.com to anonymousHi babe.
It's been three years. By the time na mababasa mo tong message na to, mahal na mahal pa rin kita. No matter how funny and desperate it may sound, gusto ko lang malaman mo na hindi na yata magbabago tong nararamdaman ko para sayo. You are my first love, my best friend. You became a huge part of my life and the moment na sinabi mong tapos na tayo, hindi ko na alam kung paano ko irerebuild uli yung sarili ko. Paano ko ba sisimulan muli ang buhay ko kahit alam ko naman na hirap na hirap akong alamin kung saan magsisimula. Sa oras ba na iniwan mo ko, or sa oras na nakilala kita? Kaya ba kitang kalimutan and pretend na never kang dumaan sa buhay ko? Sabihin mo nga, papano ko gagawin yun? Ano bang paraan ang ginawa mo para makalimutan ako? Pwede mo bang sabihin sakin?
Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung bakit mo ako nagawang iwan. Ano bang naging kasalanan ko? Bakit napakadali lang para sayo lahat? Bakit hindi ko kayang tanggapin ang naging dahilan mo, na napagod ka na sakin kaya nagdesisyon kang tapusin lahat ng to? Ano bang naging pagkukulang ko?
Sa oras ba na mabasa mo to, may bago ka na? Kung meron, hinahawakan niya ba ang kamay mo pag nilalamig ka tulad ng paghawak ko sa kamay mo? Kaya ka ba niyang kantahan sa gabi pag inaatake ka ng insomnia mo? Nakuha niya rin ba ang tamang lasa ng kape na gusto mo? Naglalakad-lakad din ba kayo para matunawan naman matapos niyong mabusog sa naging dinner niyo? Ganun ka pa rin bang tumawa? Eh mahiya naman kapag nadidighay ka? Kung may bago ka na nga ngayon, mas mahal ka na ba niya ng higit pa sa pagmamahal na kaya kong ibigay? Kung oo ang sagot mo, susubukan ko pa ring tanggalin ang sakit na meron ako nung iniwan mo ko. Pero, kung sakali man na wala ka pang bago, please naman, puntahan mo ko. Magkita tayo.
Tatlong taon ang binigay ko para satin, at para sa sarili ko. Na sana sa tatlong taon na yun, maisip nating tayong dalawa pa rin hanggang sa huli. Pero kung hindi man mangyayari yun, sana sa ika-tatlong taon na to, kaya ko nang kalimutan ka. Kaya ko nang mag-isa. Kahit alam ko, na tatlong taon din akong aasa na babalik ka.
~~
A/N: Hi! Kamusta po? Matagal tagal na rin since my last update. But here's a teaser for an upcoming RaStro story to be published soon. Please leave your comments if itutuloy pa ba namin to or hindi na lang. Hahaha. This is a collaboration with WolffChaikoff .
Have a nice weekend ahead guys! 👌👌👌