Mischievous Stars 2

1.8K 70 3
                                    

Sobrang bad trip talaga si Glaiza sa nangyari. Kung di ba naman kasi siraulo ang kaibigan nina Patricia, di wala sanang gulo. 'Sayang, maganda pa naman, kaso warfreak.' ani nya sa isip. Kaya mas pinili na lang nyang umalis kesa patulan pa yung paghuhuhrumintado ng babae.

Malapit na sya sa entrance ng palengke at agad nyang nakita ang ninang cristy nya na may kausap na babaeng kasing edad nito. Medyo napasarap ata sa kwentuhan ang mga ito kaya di nila napansin ang paghinto ng kotse ni Glaiza sa tabi nila.

"Nang." she caught her godmother's attention at lumingon naman ito, pati na rin ang kausap nito. "Sorry kung kararating ko lang po, nagkaroon po kasi ng konting aberya, pero ok na po." kamot kilay na hinging paumanhin nya.

"Ano ka bang bata ka? Kakalabas ko lang din naman." giliw na sagot naman ng matanda. "Syanga pala, si Tita Clara mo, yung mommy ni Yoyon. Mare, heto na si Glaiza." Her ninang introduced them.

"Hi po." Glaiza smiled at the other woman at nagmano rin sya dito tulad sa ginawa nya sa ninang nya.

"Kaawaan ka ng Diyos anak." the older woman touched her face. "Ang laki mo ng bata ka, at ang ganda pa. Nako, matutuwa si Yoyon pag nalamang andito ka at nagbabakasyon."

Napangiti na lang si Glaiza dahil sa tinuran ng Tita Clara nya. Pero hindi nya matandaan kung sino ang Yoyon na tinutukoy ngt mga ito. Parang pamilyar nga lang ang pangalang yun sa kanya.

"Naku mare, lumalapad ang tenga ng batang yan." pagbibiro naman ng ninang nya na kinatawa naman ni Tita Clara.

"Ninang talaga." kamot ulong turan naman ni Glaiza. "By the way tita, sumabay na po kayo sa'min." she smiled as she took the older women's things at hindi na hinintay ang sagot nito.

Masaya silang nagkwekwentuhan habang nasa daan. Glaiza is so witty at sobrang natutuwa ang dalawang matanda sa kanya. Naalala na rin nya na si Yoyon ay yung batang binigyan nya ng paborito nyang stuffed toy ng bata pa sila dahil hindi maawat ang pag-iyak nito dahil sa pagkamatay ng alaga nitong aso. Nakakalungkot lang dahil sa araw ding yun ay lumipat na silang Manila dahil sa trabaho ng tatay nya. Pero hindi nawala sa isip nya ang ngiti ni Yoyon habang akap nito ang laruan nya.

"Syanga pala Glai, sa Sabado may dinner sa bahay this Saturday dahil birthday ng tito Gareth mo. Pumunta kayo ng ninang mo, ok?" Tita Clara inviting them.

"Nakakahiya po ata tita." Glaiza gave the older woman her eye-disappearing smile.

"Ano ka ba, tayo-tayo lang andun, wag ka ng mahiya. Isa pa, para magkita na kayo ni Yoyon. Siguradong matutuwa yun."

"Wag kang mag-alala mare, darating kami nitong si Glaiza. Asahan mo, isa pa miss ko na rin si Yoyon. Huli ko syang nakita nung nagpahula sya sa'kin. Pagkatapos noon wala na, naging abala na siguro sa negosyo nya." Sabat naman ng ninang Cristy nya.

*****

"Ano ibig sabihin nun?" Bianca asked Rhian ng makapasok na sila ng coffee shop. Chynna and Patty are just listening.

"Kasi naman B nakakainis sya. Ni hindi nga nagsorry ng talsikan nya ako ng putik. Tapos babanggain pa nya yung scooter ko." Parang batang maktol naman ni Rhian.

"Eh kung pinark mo ng maayos hindi masasagi ni Cha yun. Hay naku Yoyon." Bianca just rolled her eyes at her friend. Sina Chynna at Patty naman ay busy sa pagserve sa customers nila.

"Bianca naman eh, stop calling me that name. I'm already 25 di na bagay sa'kin yan."

"Then act your age."

"Oo nga naman Yon." Pakikisakay naman ni Chynna kaya pinandilatan sila ni Rhian. "Isa pa, mabait naman yung si Cha eh, dba Pat?" Baling ni Chynna kay Patricia.

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon