Beauty in The City of Gold 1

3.2K 112 29
                                    


Sabi nila, isa kang mabuting anak kung marunong kang tumanaw ng utang na loob sa magulang mo. Dapat suklian mo ang sakripisyong ginawa nila para sa pagpapalaki sa'yo dahil kung hindi dahil sa kanila wala ka sana sa kinatatayuan mo ngayon. You have to be grateful with everything that they've given you.

Iyon bang wala kang karapatang magreklamo dahil hindi rin naman sila nagreklamo nung inaalagaan at pinag-aaral ka pa nila. Iyon bang kahit ayaw mo, pero dapat mong gawin dahil iyon ang gusto nila para sa'yo. Dahil iyon daw ang makabubuti sa'yo.

Iyon din ang laging sinasabi ng mama ko. Na dapat mag-aral akong mabuti para mataas ang grades ko para di ako mahirapan pagtungtong kong kolehiyo. Na pag nagkolehiyo na ako, Nursing ang kunin kong kurso dahil in demand daw iyon sa abroad.

Pero kabaligtaran sa lahat ng iyon ang tinuran ng Psych prof namin noon. Hindi raw sukatan ng pagiging mabuting anak pag ginawa mo ang lahat ng iyon. Na obligasyon daw ng bawat magulang na gawin ang responsibilidad na iyon sa kanilang anak. ang pagpapa-aral, pagbibigay ng mga kailangan ng bawat anak ay obligasyon ng bawat magulang at hindi utang ng mga anak na kailangang bayaran pag lumaki na sila at may trabaho na. Kung magbibigay man daw ang anak sa magulang nya, dapat iyon ay kusa at hindi pinipilit.

Pero dahil sa sobrang pagmamahal ko sa mama ko kaya mas pinili kong gawin ang una. Kaya kumuha rin ako ng Nursing dahil iyon ang gusto nya kahit pa mas gusto ko talaga ang Engineering. At kahit pa sobrang naririndi na ako sa boses nya sa tuwing dinadaing nya sa'kin ang mga demands nya mula ng mawala si papa, tatahimik na lang ako. Ika nga nya kasi lagi, sya ang nanay and 'Mothers know best' daw. Kaya kahit hindi ko gusto ang mga pinagagawa nya, pinipilit ko na lang gustuhin, nanay sya eh.

Kaya heto ako ngayon, isang dakilang nurse dito sa Dubai. Mas pinili ko ng magtrabaho dito ng kumatok ang oportunidad sa pinto ko kesa naman araw araw kong naririnig ang nakakarinding boses ng mama ko dahil sa liit ng sweldo ko ng sa Pinas pa lang ako nagtatrabaho. Dito, kahit medyo malungkot sa umpisa pero nakakaya naman. Kailangan eh, kailangan kong gawin to para kay mama.

Medyo naparami na pala ang nasabi ko pero hindi ko man lang nabanggit ang pangalan ko. By the way ako nga pala si...

"Rhian." Narinig kong pagtawag sa'kin ng kaibigan kong si Bianca at kapwa nurse ko dito sa hospital na pinapasukan ko. Ako si Rhian Denise Ramos, ang inyo pong lingkod. "Rhi, bilis i need your help here." Tawag nya uli sa'kin kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Miss, pinoy ka dba?" Ngiting alanganin ng isang pamilyar na mukha sa kaibigan ko. "Baka naman po pwedeng uminom na lang ako ng gamot, wag lang iyang injection." At medyo nagpacute pa tong si ate, siguro takot lang sya. Pero familiar talaga sya eh, san ko nga ba sya nakita?

"Hoy, Cha ang tanda mo na para matakot sa injection." Kutya ng kasama nyang si Kylie Padilla sa kanya. Teka, si Kylie nga ba 'to? Ang miyembro ng isang sikat na girl group sa Pilipinas. Sya nga talaga eh, hindi ako pwedeng magkamali.

"Che! Palit kaya tayo dito?" Sagot naman ng pasyente naming si Glaiza de Castro, kaya pala pamilyar ang mukha nya eh, kagrupo din sya ni Kylie. Sikat silang banda sa Pinas, kasama din nila sina Sanya Lopez at Gabbi Garcia. Pero bakit nasa hospital sya at anong ginagawa nila dito sa Dubai?

"Ma'am, don't worry po, parang kagat lang po sya ng langgam." Pang-aalo ko sa kanya sabay ngiti para mawala ang takot nya.

"Miss Glaiza, ituturok ko na po ha." paalam naman ni Bianca.

"Nurse, wag mo akong bitawan, hindi ko kaya." Mahigpit namang napahawak sa kamay ko si Glaiza habang nakapikit. Hindi ko napigilang mapangiti sa mga salita nya. Ang cute pala nya sa personal, lalo na pag natatakot sya. Medyo nakakatawa lang din dahil injection lang pala ang katapat ng astig na si Glaiza de Castro.

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon