Beauty In The City of Gold 2

2K 105 12
                                    


Nung bata pa ako, laging sinasabi ng nanay at tatay ko na mag-aral daw akong mabuti. Na tanging edukasyon lang daw ang tanging mapapana nila sa amin na hindi pwedeng nakawin. At dahil masunurin ako kaya hindi ko nakakalimutan ang paalala nilang iyon.

Pero ng maging high school na ako, at napapasama na sa barkada kaya ang pangaral nila'y medyo nakalimutan ko na. Muntik pa akong bumagsak noon at nakita ko kung ganu nalungkot si nanay. Sino ba kasing matutuwa na ang anak nilang Top 5 nung first quarter eh naging Top 27 na lang sa last quarter? Sangkaterbang sermon ang natikman ko kay nanay noon. Pero di ko naman sya masisisi dahil mali naman talaga ako.

Bunso kasi ako sa limang magkakapatid kaya nasanay na ako sa pagiging peyborit ng pamilya. Paboritong lambingin ni tatay, paboritong sermonan ni nanay at peyborit asarin ng mga kapatid ko. Ansaya maging bunso dba?

Dahil nga bunso kaya ako ang laging nakikita, konting galaw lang mali na kahit wala naman akong ginagawang masama. Kaya nga nakakarelate ako sa palabas na Gmik dati eh. Lagi kong pinapanood iyon dati, crush ko din kasi si Angelica Panganiban. Sobrang relate din ako sa kanta ng palabas nila iyong G-mik, memorize ko pa iyon hanggang ngayon. At sigurado akong makakarelate din kayo.

Sabi nila ako ay bata pa,
Sa bagay bagay wala pang alam.
Di pa sanay sa hirap ng buhay
Kaya di pa pwedeng mag-isa
Araw gabing pinagsasabihan
Lagi na lang nasesermonan.

G-mik, di bale kung hindi masakyan
G-mik, ok lang namang masermonan.
G-mik, sige na ngang minsan hindi naman,
G-mik, basta't ako'y mag-eenjoy na lang.

Pati ang love life ko'y pinapakialaman,
Labi ko raw ay mayroong gatas pa
Di pa daw ako pwedeng mainlove,
Infatuation lamang daw ito.
Payo naman nila ay susundin
Alam kong ito'y para sa akin.
G-mik

Oh dba, relate din kayo? Iyan ang theme song ko ng highschool.

Ok lang naman sa'kin ang sermonan at pagsabihan minsan. Ang ayoko lang ay yung pinapakialaman ako. Kaya nga may utak tayo dba? Para magdesisyon tayo para sa sarili natin. At kung magkamali man tayo sa desisyon na iyon, wala tayong dapat pagsisihan dahil tayo ang may gusto nun. Bumawi na lang tayo sa susunod para di na maulit ang pagkakamaling iyon.

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon