I am yours and yours alone,
And I know that you are all my own..
I don't have to write it on a stone,
For it is written since the day I was born.
- Sin Nombre
*****
"
Masaya ka na?" David hissed as Althea joined her inside the elevator. They just had finished presenting their exhibits and annexes before the Honorable Court. And as expected, Althea won against him. Hihintayin na lang ang written decision na ipapadala sa kanila two to three weeks from that day. "I'm filing my MR, hindi pa tayo tapos."
"David aren't you tired with these things? I know magaling kang abogado and we both know na simula pa lang ng kasong to baseless na ang mga pinaglalaban mo." Althea answered. "And we both know na kahit sinong abogado ang makalaban mo, matatalo at matatalo ka pa rin. The nuns have all the authentic documents even the Deed of Donation na may pirma at fingerprint pa ng lolo mo."
"Wala kang alam at hindi mo naiintindihan kaya manahimik ka na lang." Pikon na si David sa mga naririnig mula sa abogada.
"You're a lawyer, at alam mo kung ano ang perjury. It can be a ground for disbarment." Hindi rin patitinag si Althea. "At talagang hindi kita kayang intindihin, hindi rin ako nananahimik lang para lang sa mga kagaya nyong mali ang ginagawa." Pero tinawanan lang sya ng kausap.
"Nahihiya naman ako sa sobrang kalinisan mo." Pakutyang tiningnan ni David si Althea. "Baka gusto mong ipaalala ko sa'yo ang ginawa mo two years ago, Atty. Althea Guevarra." Namula si Althea dahil sa sinabi ng kausap, kung wala lang sila sa loob ng RTC baka nakatikim na sa kanya ito.
Hindi na rin nya ito nasagot dahil bumukas na ang elevator at agad na itong lumabas. Iniwanan pa sya nito ng isang nakakalokong ngiti.
Ng makalabas sya, hindi na nya nalapitan pa si David dahil may kausap na itong kapwa abogado.
"Uy!" Nagulat si Althea when someone caught her attention.
"Nanggugulat ka naman eh." Saway nya kay Kathleen, ang asawa ni Ben. Abogado rin ito and is working as a clerk of court sa isa mga branch ng RTC.
"Para ka kasing estatwa dyan." Her friend laughed. "Musta ang bagong kaso natin? Benjamin told me na malakas daw laban natin ah."
"Ok lang naman." Althea smiled.
"I know that smile." Kathleen grinned. "Kelan ang celebration?"
"Baliw, hindi pa nga tapos eh. Isa pa mukhang may balak pa silang magfile ng Motion for Reconsideration."
"Sisiw lang sa'yo iyan." Kathleen continues praising Althea hanggang makalabas na sila ng gusali. "Parang sila pa ang top 8 sa Bar, dba?"
"Ewan ko sa'yo. Antok lang yan, lika libre kita ng kape." Iiling iling na tawa ni Althea sabay bukas ng pintuan ng kotse nya. She then drove her car palabas ng parking area at naghanap ng pwede nilang pagkapehan ng kaibigan.
Wala syang kaalam alam na may kotse palang nakabuntot sa kanila.
*****
Busy si Jade sa pag-aayos ng gamit nya. She has decided na humiwalay na sa firm nila ni David. She thought that it was the best thing to do lalo na ngayong nagsisimula na sila Althea na buuin ang pamilya nila. Kahit na wala syang naririnig mula kay Althea, alam nyang ito din ang gusto nito. Being David's associate won't help her and Althea sa pagsisimula nila ng bagong buhay. Kaya sana lang maintindihan ni David iyon, naging magkaibigan din naman sila kahit papano.