Ready To Take A Chance Again 5

2.4K 105 13
                                    


I remember then our childish fights and arguments,

Telling each other immature words and statements.

Recalling how easily you can win over me boo,

I really miss those snob things done by the old you.

-Sin Nombre

*****

Jade woke up from the right side of their bed. Hindi dahil nasa kanang bahagi sya ng kama nila but because she woke up na yakap yakap sya ni Althea. The latter even sang her to sleep, how she missed those things. She missed her Althea, she missed the old them.

"Olive Dew." She whispered as she looks at Althea who's still peacefully sleeping. Napapangiti pa sya sa mahinang paghilik nito. She's fighting the urge to kiss her dahil baka magising ito.

Kaya bago pa nya magawa ang mga bagay na iniisip nya, she rose up and decided na ipagluto na lang nya ito ng paborito nitong agahan.

She was already preparing the table when Althea and the twins joined her.
Althea's already in her white shirt and jeans, ang lagi nitong suot sa tuwing papasok. Kahit simple lang ang suot nito, Jade still finds her beautiful.

"Ambango naman dito." Bungad ni Althea na agad dumeretso sa kanya and gave her a kiss. Jade wasn't expecting it. "Good morning lightning queen." Althea teased which made the kids laugh.

"Kahit kelan ang sama mo." Irap nya. "Is that what I get after making you guys breakfast huh?"

"Oops, nagtampo si Mommy Jade." Kunwaring nalungkot naman si Althea. "Naiisip nyo ba ang naiisip ko G2 at G3?" Baling nya sa mga anak na tatawa tawa pa rin.

"Palagay ko nga G1." Pakikisakay naman ng mga ito sa kalokohan ng nanay nila.

"Operation, hug Mommy Jade." And the three dorks did hug her tight which made her giggle.

"Puro kayo kalokohan, you guys sit down na. Gutom lang yan." Nakangiti nyang saway sa mga ito. "At ano na naman yang G1, G2 at G3 na yan ha?"

"Secret." Sabay ulit ang tatlo at muling nagtawanan.

"Ikaw, Althea kung ano ano tong mga inuturo mo mo sa mga bata." Tawa lang ang sagot ng isa. "Magkape ka na nga lang." Sabay abot ng tinimpla nyang kape para dito.

"Thanks beb." Althea answered as she started sipping the coffee and read the morning papers.

Hindi pwedeng magkamali si Jade sa narinig na pagtawag ni Althea sa kanya. She felt like a teener na pinansin ng crush nya.

"By the way, since wala kang kotse ngayon, ako na ang maghahatid sa mga bata sa school. Ikaw, sasabay ka ba?" Althea asked. Pero bago makasagot si Jade, her phone rang so she excused herself.

"Hello Dave?" Hindi iyon nakalagpas sa pandinig ni Althea. "Sorry medyo malelate ako ngayon, wala akong kotse eh, Pinahiram ko kay mommy." Jade paused. "No, no. You don't have to. Ihahatid ako ni Althea. So, see you na lang mamaya. Bye."

"Ano na naman daw ba ang kailangan ni epal?" Althea asked ng makabalik na si Jade sa mesa. Muntik namang mabulunan ang huli dahil sa tanong na iyon ng babae. "Hindi ako nagpapatawa ha."

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon