That night they had their dinner together at wala ng mas sasaya pa kay Iver. After her mama Rhian left to work for Manila ay ngayon nya lang ulit ito nakasamang kumain. Sila din ng mama nya ang bumili ng hapunan nila na ang bata din ang namili. They had a bucket of Iver's favorite fried chicken, and sundae. Kwento rin ito ng kwento habang nakaupo sa kama ng mommy Glaiza nya at sinusubuan naman ng mama Rhian nya.She told her mama all the things she's done ng hindi pa ito umuuwi sa kanila at nakangiting nakikinig lang din si Rhian kahit alam na nya ang mga ito. Nakikisakay din si Glaiza lalo na pag sinasali sya ni Iver sa kwento nito. Para sa kanya, wala ng mas importante pa kundi makita ang saya sa mata ng anak nya.
"Say aah." Narinig nyang sabi ni Rhian para subuan sya ng sopas na binili din ng mga ito.
"Ako na lang." Tanggi pa sana ni Glaiza pero wala na syang nagawa ng pandilatan sya ni Rhian.
"Very good." Her wife said smiling habang si Iver naman ang sinusubuan nito.
"Rhian, kaya kong kumain mag-isa. May mga kamay pa ako oh." Sagot naman ni Glaiza dahil parang di sya komportable sa ginagawa ng asawa.
"Mommy, you're sick so let mama take care of you." Saway naman ng batas ng pamilya nila.
"Pero Iver kailangan ding kumain ng mama mo."
"Ok lang ako, mas mahalaga kayong dalawa." Rhian answered na tinaasan ng kilay ni Glaiza. Si Rhian ba talaga to? Tanong ng isip ni Glaiza. Pero hinayaan na lang nya ito sa ginagawa. Their daughter loves her mama's show kaya makikisakay na lang muna sya.
Pagkatapos nilang kumain ni Iver ay si Rhian naman. Kinain nito ang tirang pagkain ng anak just like what she used to do before. Si Glaiza nama'y masayang nakikipagkwentuhan sa anak dahil maya maya lang ay uuwi na ito kasama ang nanay at tatay nya. She can see the genuine happiness in her child's eyes, sayang dulot ng pag-uwi ng mama nya ngayon.
When it's time to go home ay agad yumakap si Iver sa mommy nito at nadaganan nya ulit ang sugat ni Glaiza. But the latter didn't mind it at all. But Rhian saw that Glaiza is uncomfortable kaya nilapitan nya ang mag-ina nya para kunin si Iver.
"Langga, you're not that little anymore and mommy's having a hard time." Bulong nya sa anak at hinalikan ito sa noo never minding na napalapit na rin ang distansya nila ni Glaiza, isang maling galaw ay mahahalikan nya na rin ang dating asawa. She can almost taste the sweet lips of Glaiza again pero mas pinili nyang gawin ang tama. Binuhat nya si Iver at hinatid ito kasama ng lolo at lola nya sa labasan.
Ng bumalik sya ay busy na sa panonood ng tv ang dating asawa. "You should be resting by now." Basag nya sa ginagawa nito.
"No, kailangan nating mag-usap." Glaiza said na ngayo'y nakatingin na sa kanya. The coldness in her voice and eyes are back and hindi kayang salubungin ni Rhian iyon.
"We can talk some other days Glai, but now you need sleep more." Rhian answered.
"Bakit Rhian? Bakit nandito ka?" Patuloy na tanong ni Glaiza, hindi pinansin ang paalala nya.
"Cha.."
"Hindi tayo magkaibigan so don't call me by that name." Putol ni Glaiza sa kanya.
"Iver needs me and I want to be with her."
"Then why stay here? Why not spend the time with your daughter?" Glaiza asked again, pati sya napapa-ingles na rin. "Baka magulat na lang kami isang araw iiwan mo na naman ang bata."
"Glai, you need me, so please let me." Rhian whispered almost in tears.
"I don't need you Attty. Howell. Hindi na kita kailangan mula ng iwan mo kami ng anak mo." Mababakas ang sakit sa mga salitang binitawan ni Glaiza at hindi na rin napigilan ni Rhian ang mga luhang kanina pa nagbabadya.