The Miracle

2.9K 110 11
                                    


Our love is like the wind..

I can't see it, but I surely can feel it..

- Landon Carter,
A Walk to Remember

*****

Simpleng babae, yun bang pag nakita mo sya hindi mo na gugustuhing lumingon pa dahil sa pag-iisip na sya'y pangkaraniwang tao lamang.

Mahabang palda at blouse yan ang lagi nyang suot na pinapatungan ng makapal na damit panlamig. Ang buhok nyang kasing itim ng hatinggabi na laging nakatirintas. Ni minsan hindi mo makikitang nakalugay ang mga yun.

Matalino sya at hindi nawawala ang pangalan sa Dean's List sa kursong AB English sa St. Louis University dito sa Baguio.

Minsan mo lang syang makikitang nakikipaghalubilo sa iba, at ang lagi nya lang kasama ay ang matalik nyang kaibigang si Bianca.

Pagdating nya sa unibersidad sa umaga, didiretso sya para kunin ang mga gamit sa kanyang locker at agad nyang tutunguhin ang kanyang silid. Pagdating dun, tahimik lang syang uupo sa sulok at hihintayin ang kanilang propesor samantalang ang mga kaklase nya ay maiingay at magugulo.

Pagdating naman ng oras ng tanghalian, agad syang tutungo sa kantina para tahimik na kakain. Minsan kasama si Bianca pero kadalasan mag-isa lang sya.

Pag wala naman syang klase eh sa silid aklatan mo sya makikita. Kung hindi nagbabasa ng aklat eh may sinusulat naman.

Pagkatapos naman ng buong araw nya sa unibersidad, didiretso syang uuwi sa kanilang tahanan na malapit lang sa paaralang pinapasukan. Hahalik sa kanyang ama at agad aakyat sa kanyang silid upang magpahinga saglit at gumawa ng kanyang takdang aralin.

Pagsapit naman ng alas sais y medya, sya'y bababa para saluhan ang ama sa hapunan. Pagkatapos ayusin ang kanilang pinagkainan, aakyat ulit para magbasa saglit at agad magpapahinga.

Yan ang araw-araw nyang gawain. Sya si Rhian Denise Ramos, anak ng isang manunulat at aktibistang bumabatikos sa mayabang at  gahamang mayor ng lungsod ng  Baguio.

At ako, ako naman si Glaiza. Glaiza de Castro. Ako ang kabaligtaran ni Rhian.

Hindi ako simpleng manamit, ayoko ng mga bagay na nabibili lang kung saan-saan. Mahilig ako sa pantalon at leather jacket. Ang maikli at itim kong buhok ay minsan napapaloob sa paborito kong bonnet at sumbrero.

Matalino din naman ako kahit hindi ako kabilang sa Dean's List at magkaklase kami ni Rhian sa kursong AB English.

Lagi kong kasama ang mga kaibigan ko lalo na ang matatalik kong kaibigan na sina Chynna at Katrina idagdag na rin ang baklang si Ben at kapatid nyang si Patricia na may gusto sa'kin. Kung si Rhian at Bianca ay napakahinhin kumilos kami naman ni Chynna at Katrina ay mahilig sa mabibining magaganda, ika nga nila, kami ay lesbyana.

Pagkatapos ng klase, di ako uuwi agad. Minsan tatambay lang sa paborito kong kapehan di kaya sa sementeryo kung saan nakalibing ang aking ina.

Doon ako lumalagi dahil wala naman akong kasama sa bahay maliban sa aming kasambahay. Ang aking ama'y sobrang abala sa kanyang mga tungkulin bilang mayor ng aming lungsod.

*****

Hindi naman sana kami magkakaroon ng pagkakataon para magkausap  ni Rhian Kung hindi lang dahil sa katuwaan naming magkakaibigan.

Dapat kong ligawan at dapat magustuhan ako ni Rhian at kung hindi ko yun magawa sa loob ng dalawang linggo, magiging kasintahan ko si Patricia na patay na patay sa akin.

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon