Beauty In The City of Gold 4

1.6K 102 22
                                    

I always dream of you every night,

Everyday, thoughts of you capture my mind.

Wishing you're here by my side..

To show you how I feel inside.

-Sin Nombre

******

That's why they're called crushes, cause if they were different they'll be called something else. That's one of the quotes mula sa isa sa mga movies na napanood ko. Honestly, I'm really a big fan of romantic films. Notting Hill, Pretty Woman, Two Weeks Notice, Sleepless In Seattle, ilan lang sila sa mga paborito ko. Maybe that's one of the reasons kung bakit single pa ako hanggang ngayon. Siguro mas kuntento na ako sa mga happy ending nina Anna Scott at William Thacker di kaya nina Sam Baldwin at Anna Reed.

But then one ordinary day nakilala ko ang isang Glaiza de Castro and suddenly naramdaman ko din ang ang bagay na naramdaman ng mga paborito kong characters nina Julia Roberts at Meg Ryan ng makilala nila ang characters nina Hugh Grant at Tom Hanks. I felt that magic, and my heart beats fast lalo na pag nakangiti sya. But it confuses me more dahil sandali ko lang syang nakasama at ito na ang nararamdaman ko para sa kanya.

Dapat simpleng paghanga lang iyon pero biglang naging ganito? Bakit lagi ko syang naiisip kahit ilang buwan na ang lumipas mula ng makasama ko sya? Bakit ba pati panaginip ko minsan ay andun sya?Bakit ba lagi ko syang naaalala sa mga pasyente naming takot sa injection? Bakit ba nakikita ko pa rin sya pag namamasyal ako sa Miracle Garden at di ko mapigil ang ngiti pag naalala ang reaksyon nya ng malaman nyang bawal pala umapak sa mga damuhan dun? Hay Glaiza, what have you done with me? Why am I missing you so much? Ikaw kaya, do you feel the way I do o baka naman nakalimot ka na dahil sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa'yo?

I sighed with those thoughts habang tinitingnan ang mga IG posts nya. Ito na ang lagi kong ginagawa pag off ko, ang maging stalker nya sa social media. Ang ganda talaga ng mga ngiti nya and I was glad dahil kahit ilang araw ko lang syang nakasama ay isa ako sa naging dahilan ng mga ngiting iyon habang andito sya sa Dubai. And that sign language na huli nyang ginawa ng gabing iyon, totoo kaya iyon? It means 'You complete me.' at nakita ko iyon sa isa sa mga scenes ng paborito nyang movie kuno, ang Jerry Maguire (Panoorin nyo guys, magandang movie sya).

Habang busy ako sa kakatingin, one of her latest tagged video caught my eye. Kasama nya si Kylie habang nasa isang mall tour sila at tulad ng lagi nitong ginagawa, inaasar na naman nya si Glaiza. pero di iyon ang nakatawag ng pansin ko, I looked at her neck at napakunot ang noo ko dahil hindi ko nakita ang kwintas na lagi nitong suot. I played the video the again and again at nakumpirma kong wala nga siyang suot na kwintas. Nagtaka ako kung bakit ganun dahil hindi nya inaalis iyon sa katawan nya dahil sobrang mahalaga nun sa kanya.

"Di kaya nahanap na nya?" I asked myself still thinking about that necklace.

"Nahanap nino ang alin?" Tanong naman ni Bianca sa'kin, nakalimutan ko katabi ko pala sya ngayon, she's watching a movie on her laptop habang nasa sala kami ng apartment na inuupahan naming tatlo ni Chynna.

"Wala, sige pasok muna akong kwarto." I answerd at mabilis ko ngang tinungo ang kwarto para matulog na lang. Parang bigla akong nanghina dahil sa nakita ong video ni Glaiza. Bakit ganun? Bakit di na nya suot?

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon