Until Forever 6

372 26 5
                                    


Simple lang pero maganda ang inuupahang bahay ni Glaiza tulad ng inaasahan ni Rhian. Ang huling punta nya dito ay nung araw na hinatid nya ang mag-ina dito ng magpasya silang maghiwalay ni Glaiza and she doesn't want to think about it anymore.

She saw how much it changed since last year. May mga dekorasyon na ito ngayon, may mga gamit na rin na alam nyang nagbagay sa personality ni Glaiza. This looks like their old house pero maliit lang.

"Andun ang kwarto nila, nandoon din ang mga damit." Nadine said habang naglalakad sila sa loob ng bahay. "Titingnan ko din kung may mga pwede tayong dalhin dito." Her sister-in-law added at tumungo na ng kusina bago pa sya makasagot.

Naglakad na rin si Rhian tungo sa direkson na tinuro ng hipag at binuksan ang ang pintuan ng kwarto ng mag-ina nya. Simple lang din ang kwarto ni Glaiza na napipinturahan ng kulay crema. Katamtamang laki ng kama ang nasa gitna ng silid, may side table din at dresser. May dalawang framed pictures ding nakasabit sa pader, ang isa picture ni Glaiza suot ang uniform nya marahil nung araw ng promotion nito sa trabaho, at ang isa picture nilang magbabarkada na kuha sa paborito nilang kapehan, ang The Traveller's Stop. Makikita dito sina Ben at ang asawa nitong si Patricia na masayang nakangiti, si Chynna at Bianca na magkaakbay, si David na ang kapares ay ang sandwich na kinakain nito at ang pinakamasakit sa mata, si Trixie Yanson na nakasandal sa balikat ni Glaiza while the latter is smiling, that eye disappearing smile which Rhian finds cute, before. Pero ngayon, parang gusto nyang ibalibag ang litrato for giving her an unfamiliar pain in her chest. Pero bago nya gawin ang iniisip ay agad syang tumalikod dito.

Nabaling ang mata nya sa isang picture na nakapatong sa side table ng kama. It was a picture of Glaiza and Iver habang kumakain sa restaurant na paborito ni Iver. Rhian smile as she looks at her child who has a huge smile in her face, nawala rin ang mata nito habang nakangiti. Manang mana sa mommy Glaiza nito. Something tells her na kunin ito para dalhin sa bahay nila dahil alam nyang gusto iyon ni Glaiza sa tabi ng kama nya.

Binuksan nya ang cabinet at naghanap ng mga damit ni Glaiza. Kumuha sya ng mga tshirt at shorts nito, mga damit na alam nyang magiging komportable ang asawa. Kumuha din sya ng mga damit pantulog at underwear nito. Pagkatapos ayusin ang mga damit ng asawa ay ang mga damit naman ng anak nya ang mga kinuha ni Rhian. Ng matapos ay binuksan naman nya ang isang drawer, nagbabakasakali na makakuha pa ng ibang gamit ni Glaiza pero laking gulat nya ng makita ang isang bagay na andoon.

She stilled for a second as she looks at the picture frame inside. She grabbed it for it was her picture. Di nya alam kung bakit merong ganito si Glaiza but she felt the butterflies in her stomach with the thought of it. It's a picture of her habang  nakaupo sa isang duyan na nasa ibabaw ng fishpond ng mamasyal sila ni Glaiza sa Punong Gary's Place, a Bali inspired destination sa Silay.

Di pa sila kasal ng dinala sya ni Glaiza dito, it was their first anniversary as couple at dito sila nagcelebrate. Kilala nya si Glaiza at alam nya kung gaano kakuripot ito pero kaya nagulat sya ng dinala sya nito sa isang lugar na medyo may kamahalan. But she was more surprised ng may ibang balak gawin pala ang nobya sa kanya.

Si Glaiza ang tipo ng babaeng kuripot pero para dito ay practical lang daw sya. May punto naman ito. Pagdating sa sarili ay lagi itong nagtitipid kahit pa medyo malaki laki ang sweldo nito bilang isang pulis. Pero ng dumating sa buhay nya si Rhian ay tila kinalimutan nya ang ganitong ugali. She wanted to give her girl things she'll be glad to have kahit pa ilang beses na syang sabihan ni Rhian na hindi nya kailangan gawin ang mga bagay na iyon.

But for their first anniversary ay dinala nya ito sa Punong Gary's. Alam nyang may kamahalan ang lugar dahil sa ganda at masarap na pagkain nito but she knows it'll be worth it. Rhian is worth it.

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon