Amidst of this dreadful life,
In spite of business strife
And arguments may cut like knife..
Still, I can't get tired loving you wife.
- Love Is
Sin Nombre*****
"Jade?" Ang boses na iyon ang nagpalingon kay Jade. It was her brother Paul. Agad syang tumakbo at yumakap ng mahigpit dito. "Tahan na." Pang-aalo ng kapatid.
"She's mad with me."
"I know, I've heard everything." Paul nodded. "At kahit mahal kita, hindi ako kakampi sa'yo ngayon dahil alam kong may punto si Althea. God's sake Jade, the woman loves you. Kailangan pa ba kitang iuntog pa makita mo iyon?" Paul rolled her eyes habang tahimik lang syang nakikinig. "Kung nakita mo lang ang saya nya kanina pag-uwi nya at kung panu sya nalungkot ng malamang kasama nyo si David. Naman Jade, bat kasi sumasama ka pa dun eh? Kala ko ba gusto mo ng buong pamilya?" Paul still scolding her.
"Nagyaya kasi ang mga bata, and David insisted na pagbigyan sila."
"Pag sinabi ba ng David na iyon na tumalon ka sa building, gagawin mo?" Paul exasperated. "Althea is right, kung ganyan lang din naman, d sana si David na lang ginawa mong magulang ng kambal."
"Paul.." Jade pouted.
"Don't use that against me, baka nakakalimutan mo Atty. Tanchingco, bawas ganda points ka kay Althea."
"Puro ka naman kalokohan eh."
"Ok, seriously, ano pa ba kasi ang kinakatakot mo? Wala na si dad para pumigil sa inyo. The lady loves you, kahit ako kitang kita iyon. If not, sana hindi nyo sya kasama ngayon." Her brother said.
"Anong gagawin ko?"
"Naman Jade, abogada ka ba talaga?" Paul answered rolling his eyes. "Suyuin mo, make the first move. Ikaw naman yong nang-iwan dati dba? Then gumawa ka ng paraan to get your girl back."
Jade sighed, tama ang kapatid. Dapat na syang gumawa ng paraan para hindi mawala si Althea sa kanila, bago pa tuluyang mahuli ang lahat.
*****
"Don't worry Jade, kasama ko sya ngayon." Batchi said habang may kinakausap sa telepono, it was Jade. "Sandali lang ha, tatanungin ko lang sya."
"Thea, pwede ka daw bang makausap?" Baling naman nito kay Althea.
"Marami akong ginagawa." Balewalang sagot nito. Ang totoo'y wala naman syang ginagawa. Ayaw nya lang talagang kausapin si Jade.
Galit sya, inis sya at masama ang loob nya. Galit sya sa sarili nya. Naiinis sya dahil dapat syang magalit kay Jade pero hindi nya magawa. Mahal nya pa rin ito, ang akala nyang patay ng damdamin para dito ay muling nabuhay. At masamang masama ang loob nya dahil parang wala lang ito para kay Jade, na parang pinaglalaruan lang sya nito.
Kung pwede lang sana syang sumigaw para malabas ang lahat ng sama ng loob nya. How she hated the way she doesn't hate Jade. Naramdaman nya na lang ang pag-agos ng luha nya dahil sa magkahalong sakit at galit na nararamdaman.