Ready To Take A Chance Again 7

2.8K 120 20
                                    

And I'm ready to take a chance again,

Ready to put my love on a line with you..

Been living with nothing to show for it,

You get what you get when you go for it..

And I'm ready to take a chance again, with you..

- Barry Manilow

*****

Kinabukasan, maagang nagising si Althea. Nakangiti sya habang minamasdan ang mahimbing na tulog ng babaeng katabi nya. Ang babaeng nagtapat sa kanya ng pag-ibig kagabi dahil sa kalasingan. Sariwa pa rin sa isipan nya ang mga pinagagawa nito.

FLASHBACK

"Jade, gising muna. Andito na tayo." Mahinang tapik ni Althea sa kasama.

"Hmmm." Ungol lang ang sagot nito.

"Jade, uy. Alam mong di kita kaya. Gising muna."

"Thea." Ngiti nito sa kanya habang pupungay pungay ang mga mata.

"Lika na ha?" Alalay naman ni Althea sa kanya.

Pero bago pa makalabas ng kotse si Jade bigla na lang itong nasuka sa loob mismo.

"Jade naman eh." Medyo naiinis si Althea. "Bat dyan ka nasuka? Kainis naman eh." But Jade only smiled. "Tapos ngingiti ngiti ka dyan na kala mo lalo mong kinaganda? Amoy suka kna ui. Turned off na ako." Natatawang iling na lang ni Althea.

When they reached their room, agad nyang inihiga si Jade. Agad din syang kumilos para linisin ito dahil sa amoy nito.

Mabilis syang kumilos para kumuha ng bimpong basa para pamunas dito at damit pantulog para ipalit sa damit nitong amoy suka.

"Pasalamat ka mahal kita, kung hindi, talagang titiisin kita. Iinom inom pero di naman kaya." sermon nya dito kahit alam nyang tulog na ito.

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon