Beauty In The City of Gold 6

1.3K 112 19
                                    


January 17,2016

The most awaited day has finally come and I'm here pacing back and forth sa arrival area ng airport waiting for her. Yes, she'll be arriving any minute now at sigurado ako dun. She told me about it ng nasa Miracle Garden kami at namamasyal kasama ng mga kaibigan namin. Pero dahil nga iniwan nila kami so I had the opportunity to know her more at hindi nga ako nabigo. We've talked about everything, at dun ko din nalamang ulila na pala sya sa ama at sya na ang bumubuhay sa mama at kapatid nya na nag-aaral pa sa kolehiyo kung kaya mas ninais nyang magtrabaho na lang sa Dubai.

Kanina pa kami dito at medyo din a ako mapakali. Kanina pa rin ako pabalik balik ng lakad at may mga nakakakilala na sa amin ni Kylie at ang iba'y nagpapicture pa. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko, I'm excited and nervous at the same time. Excited dahil finally magkikita na uli kami at nininerbyos ako dahil di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya pag magkaharap na kami. Kumukulo ang tyan ko na parang gusto kong magdeposit sa banyo pero parang hindi naman. Hindi ko talaga maintindihan. Kanina pa din ako sinisita ni Kylie dahil daw nahihilo na sya sa ginagawa ko.

"Cha." Tawag ni Kylie sa'kin na nagpatigil sa paglakad ko. Napakunot ang noo ko dahil sa ginagawa nyang pagnguso pero patuloy lang sya sa ginagawa nya.

"Ano ginagawa mo? Maghunos dili ka nga, di tayo talo."I told her na nagpairap sa kanya.

"Miss Rhian." Iyon lang ang tanging nasabi nya sabay tayo at tinungo ang taong tinawag nya. She's already here, alam ko iyon kahit di pa ako lumingon. I can feel it, ramdam ko ang kaba at ang bilis ng tibok ng puso ko na tanging sa kanya ko lang nararamdaman. "Cha, si Nurse Rhian." Tawag uli ni Kylie sa'kin at dun na ako lumingon. And there I saw her standing beside my bestfriend. Napatulala na lang ako as i look at her. "Ano, di ka lalapit?" Sita uli ni Kylie sa'kin kaya lumapit na ako sa kanila.

"Hi-ii." Medyo pumiyok pa ako ng batiin ko sya, and she just smiled at me. That smile, iyan ang namiss ko sa kanya, and here I am di ko na alam ang gagawin. Lalo syang gumanda at naramdaman ko na parang nanlalambot ang tuhod ko. Iyong mga salitang kanina ko pa pinag-isipan ay biglang nilipad ng hangin, at wala na akong maibuga.

"Glaiza, andito ka pala." Ang boses na iyon ni Rhian ang gumising sa'kin. "May sinusundo kayo?"

"Actually nurse Rhian Ikaw talaga..." Sasabart pa sana si Kylie pero tinakpan ko na ang bibig nya, ayokong malaman ni Rhian na hinintay ko sya dahil tinamaan na ako ng hiya.

"Si Sa-anya." Nauutal kong sagot. "Sinusundo namin si Sanya. Ngayon pala ang uwi mo."

"Oo eh, tapos na ang kontrata ko." She answered smiling and I lost it again.

"Nurse Rhian, may sundo po kayo?" Si Kylie na ang nagtanong  dahil umurong na naman ang dila ko. "Musta na po kayo?"

"Ok naman, kayo?"

Di ko na nasagot ang tanong nyang iyon dahil narinig namin na may tumawag na sa kanya.

"Babes." Masiglang bati ng isang lalakeng parang espasol sa kaputian sa kanya at nagkatinginan na lang kami ni Kylie dahil nagulat kami sa tinawag nito kay Rhian.

"Labs, kanina ka pa?" sagot nyang nakangiti sa lalake at iyon na ang tuluyang nagpawala ng ngiti ko. Babes at labs sweet naman ng tawagan nila. Medyo naguluhan ako dahil akala ko Rhian is not into guys pero bakit ganito? May nobyo pala sya. "Syanga pala sina Glaiza at Miss Kylie." She said introducing us to her boyfriend. "Si Jason po pala."

"Sirens' Grin?" Nagulat kami ni Kylie dahil medyo napalakas ang boses ni espasol. "Wow babes, kilala mo sila?" Sobrang excited na baling nito kay Rhian na napatango na lang. "Pwede po ba magpapicture? Astig po ng banda nyo."

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon