Agad na rin akong umuwi sa unit naming apat matapos ihatid si Rhian sa kanila. Kahit gusto ko pa sana syang makasama ng matagal ay naunahan na ako ng hiya. Sino ba naman kasing hindi mahihiya sa mga lumabas sa bibig ko habang magkausap kami? The reason why I asked her out today ay gusto ko sanang pormal na ipaalam na gusto ko syang ligawan. Pero dahil sa kaba kaya kung anu ano na lang ang lumabas sa bunganga ko. Really Glaiza, dinamay mo pa talaga si Rizal sa kaengotan mo, kainis ka. Dba dapat astig ka? Pero bakit ngayon parang lumalambot ng tuhod mo? Andun na sana eh, you have already given her the necklace. Pero baka natakot sa'yo kaya di nya sinuot.
Ano na ngayon ang gagawin ko?
Sa totoo lang talaga gusto ko ng bugbugin ang sarili ko dahil sa nangyari. Wrong move kasi ata iyon because after I gave her the necklace she fell silent at di nagtagal ay nagyaya na syang umuwi. Hindi ko na rin sya natanong kung bakit dahil nahiya na rin ako sa kanya.
This is not even the first time that I courted someone. I had three girlfriends before at hindi naman ako nahirapang manligaw sa kanila. Pero bakit ba ngayon kay Rhian parang hindi ko alam ang gagawin. Seriously Glaiza de Castro? You've waited more than a year para lang dito kaya sana naman wag mong sirain ang pagkakataon mong ito. Hay anak ka talaga ng pinagmulan mo.
Kanina ko pa pinapagalitan ang sarili ko mula ng makababa sya ng kotse ko hanggang ngayon habang hinihintay kong mag-green ang traffic light ng bigla akong tabihan ng jeepney na kung magpatugtog ng stereo nya ay parang rinig ng buong Pilipinas sa lakas. Nakakatuwa lang dahil kanta namin ang tinutugtog nya. Medyo nawala na rin ang inis ko, thank you talaga kay manong.
"Manong, ganda po ng kanta, thank you po." Di ko napigilang magpasalamat sa driver na nagtataka bago ko paandarin muli ang kotse ng nagpalit na ng Go sign.
When I reached our place, naabutan kong nakasalampak sa sahig sina Sanya at Kylie. As usual dahil buong araw lang silang nasa bahay kaya wala na silang ginawa kundi manood ng horror movies.
"Asan si Gabbi?" I asked them ng tumabi na ako sa kanila.
"Sinundo sya ni Ruru, may lakad daw sila." Sagot ni Kylie na hindi inaalis ang mata sa pinapanood. "Musta pala ang first date? Naka-first base ba tayo?"
"Mukhang wrong move eh, first strike ata." Kamot ulo kong sagot sa tanong nya.
"What do you mean?" At sabay pa talaga silang nagtanong. Mas mabilis pa talaga ang mga to sa kidlat basta pagdating kay Rhian.
"Anyare, ano ginawa mo?" Kylie asked again and Sanya paused the movie we're watching. Ayan na po sila, napunta na sa'kin ang buong atensyon nila kaya minaigi ko na lang magkwento. At tulad ng inaasahan pang-aasar at pang-aalaska na naman ang nakuha ko mula sa kanila.
"Grabe talaga tama mo sa kanya noh?" Si Kylie na hindi pa rin tumitigil sa kakatawa.
"Te, bat di mo na lang kaya yayain si Ate Rhian this weekend for our Sinulog show sa Cebu? For sure matutuwa iyon." Sanya suggested at naisip kong maganda nga siguro iyon. Minsan talaga mas may sense pang kausap tong bunso ng grupo kesa naman sa bespren kong puro pang-aasar lang ang alam.
********
Malalim na ang gabi pero ayaw pa rin akong dalawin ng antok. This is the third sleepless night I had mula ng lumabas kami ni Glaiza. Simula kasi ng ihatid nya ako that Sunday ay hindi na uli ito nagpakita at aaminin kong namimiss ko na sya. Minsan she'll text me para sabihin ang gagawin nya pero hanggang dun lang. Naisip ko tuloy na baka nagtampo sya dahil hindi ko sinuot ang kwintas na binigay nya. I know that she told me before na ibibigay nya iyon sa taong mahal nya pero ayoko namang mag-assume. Alam kong makulit sya at lagi nya lang akong pinagtitripan kaya natatakot akong isipin na mahal nya rin ako. Siguro magaan lang talaga ang loob nya sa'kin. Isa pa, I want to hear those magic words from her dahil ayoko talagang umasa dahil baka ako rin ang masaktan sa huli.