Mischievous Stars 1

2.7K 67 11
                                    

"Madam, ano po nakikita nyo?" tanong ko kay Madam Cristy ang suki kong manghuhula. Yes, you heard it right, I do believe in fortune tellers. Wala namang mawawala pag naniwala sa kanila di ba? "Can you see the man of my dreams?" I added dreamily holding my hands together.

"Hmmm." medyo napakunot ang noo nya. "Iba nakikita ko hija..Babae." noo ko naman ang napakunot sa tinuran nya. "Oo, tama nga. Babae ang nakikita ko at hindi lalake." the old woman then looked at me with brows arched.

"Sigurado po kayo madam?" I asked di pa rin makapaniwala. Of course, sino ba naman kasi ang maniniwala? Babae ako at never in my life na nagkagusto ako sa kapwa ko babae, maybe girl crushes, pero to fall in love with one malabo ata. Straight kaya ako. "Baka naman po iba yang tinutukoy ng baraha?" I asked again.

"Hindi hija. May nakikita akong babaeng maikli ang buhok." the old woman added at bigla kong tiningnan ang bestfriend kong si Chynna.

"Hoy, wag ako Rhian ha." she said knowingly na parang nabasa nya nasa isip ko. "Maikli buhok ko pero di tayo talo. Kaya wag mo akong tingnan ng ganyan." she rolled her eyes which made me and Bianca laughed. The three of us were bestfriends since our early years at para na kaming magkakapatid. Unlike me, they don't believe in fortune tellers dahil tayo din naman daw ang gumagawa ng sarili nating kapalaran but because we're friends sinasakyan na lang din nila ang kalokohan ko kuno. And they can't blame me if I believe with these things eh halos lahat kung di man lahat ng pinahula ko eh nagkatotoo.

"Ahem". Madam Cristy caught our attention.

"May nakikita pa po ba kayo Madam?" baling ko ulit sa matanda.

"Berde." she started again which made me looked at her curiously. "Kulay berde ang magiging tanda na sya na ang taong hinahanap mo." she looked at me. "At letter "L" may letter L ang pangalan nya." she ended.

"Yun lang po yun? Sigurado po kayo?" I asked still not believing what I've just heard.

She nodded at me. "Sigurado ako at hindi ako maaring magkamali. Sya sige, humayo na kayo at may gagawin pa ako. Alam mo namang di ako nanghuhula tuwing Sabado di ba? Hindi lang kasi talaga ako makahindi sa'yo." She smiled at nagpaalam na rin kami.

We then walked home at hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ng manghuhula. Maybe Bianca and Chynna were right all along. Hindi totoo ang panghuhula. Sino ba naman kasing baliw ang mag-iisip na babae pala ang soulmate ko hindi naman ako lesbiana at lalake pa rin ang gusto ko.

*****

Halos thirty minutes akong naghalungkat ng damit na isusuot ko pero hindi ko mahanap ang paborito kong puting tee shirt. So totoo nga talagang pinamigay ni ninang ang mga paborito kong damit dahil ang tanging natira sa closet ko ay ang mga damit na binili nya for me na puro shades of green ang kulay, kesyo sabi daw ng horoscope ko eh swerte daw ang color green sa'kin at isa pa kulay pera daw para yumaman ako.

Naiinis at nayayamot man ako sa ginawa nya eh wala na akong magawa, isa pa ninang ko sya at sobrang mahal ko sya kahit minsan magkaiba ang paniniwala namin. Kaya kahit ayoko sa kulay ng damit na pinasusuot nya sa'kin ay di ko pinagsisihang magbakasyon ditto sa Bohol kung saan sya nakatira pagkauwing pagkauwi ko matapos ang kontrata ko sa Japan kung saan ako nagtatrabaho.

"Cha, nalunod ka na ata dyan." Katok sa'kin ng kaibigan kong si Patricia, nainip na siguro dahil kanina pa sya naghihintay. Niyaya nya kasi akong pumunta sa coffee shop ng mga kaibigan nya dahil mahilig daw ako sa kape at siguradong magugustuhan ko daw ang lugar.

"Sandali, heto na." kamot noo kong sagot at agad sinuot ang emerald green na V-neck shirt na basta ko na lang pinulot dahil no choice na rin naman ako.

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon