The twins are tired ng makauwi na sila. They had a mini celebration pa kasi sa paboritong fast food restaurant ng kambal after their school activity kahit na runner up lang si Iver. Althea was so proud of her daughter. Pero hindi rin nakaligtas si Althea sa panunukso ng mga kaibigan dahil sa mga sagot ni Iver sa Q&A ng activity nila.Alas sais ng gabe ng makauwi ang mag-anak at hindi na matinag ang kambal sa passenger side ng kotse, so Althea and Jade just decided na buhatin na lang ang dalawa papasok.
After settling the kids, Althea received a text message na biglang nagpabalisa sa kanya. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Jade.
"Beb, ok ka lang ba?" Jade asked dahil nakakunot ang noo ni Althea.
"Oo naman." Althea smiled and hugged her tight. "Pero ang laki ng kasalanan mo."
"Sorry na nga dba?" Jade giggled habang yakap yakap pa rin si Althea. "Wala na talaga kasi akong maisip na rason pa sa mga bata kung bat hindi ka namin kasama."
"Pasalamat ka talaga mahal kita."
"Mahal din naman kita ah." Jade winked na nagpatawa kay Althea.
"Syanga pala, aalis muna ako sandali. May nakalimutan ako sa office." Althea said changing their topic.
"Anong nakalimutan mo?" Napataas ng kilay si Jade na parang nagdududa sa asawa.
"Basta." Tanging sagot ni Althea dahil hindi nya alam ang isasagot kay Jade.
"Althea, may problema ka ba?"
"Anong problema? Wala, may nakalimutan lang talaga ako. Babalik naman ako agad." Althea assured.
Wala na rin namang nagawa pa si Jade dahil mapilit si Althea. Sobrang halaga daw kasi ng nakalimutan nito sa opisina.
Pero bago pa pumasok ng kotse si Althea, nilingon nya pa uli si Jade at nginitian nya ito. Pero may kakaiba sa ngiting iyon ni Althea sa asawa na parang biglang nagbigay kaba dito.
"Mahal na mahal kita." Althea said at agad pumasok ng kotse at pinaandar ito, hindi na nya hinintay ang sagot ni Jade.
"I love you too." Jade whispered dahil hindi na rin naman maririnig pa ni Althea iyon. Ewan ba nya pero may kakaibang kaba talaga syang nararamdaman. Sobrang bilis ng tibok ng puso nya na animo'y may mga dagang nag-uunahan.
******
It's almost 7:30 in the evening when Althea reached the Shelter. Madilim ang lugar ng pasukin nya ito. Si David ang ngtext sa kanya telling her na magkita sila sa shelter dahil susuko na daw ito at sa kanya lang daw ito isusuko.
"You're just in time Atty. Guevarra." A voice greeted her, it was David.
"David, andito na ako."
"Akala ko matalino ka, uto-uto ka rin pala." David grinned devilishly. "Kala mo talaga susuko ako sa'yo?"
"Hindi rin." Althea chuckled. "Dahil kilala ko ang mga tulad mo that's why I'll use citizen arrest. David Limjoco Jr., you have the right to remain silent, anything you say or do may be used against you." Althea continued telling David his Miranda Rights sabay lapit nya dito.
"Oops, hanggang dyan ka lang." David said sabay tutok ng dala nyang baril kay Althea na nagpatigil dito. "Hindi ako susuko sa'yo dahil papatayin kita." Galit na galit si David habang hindi inaalis ang pagtutok ng baril kay Althea. "Lahat na lang ng sa'kin inagaw mo!"
"Wala akong inaagaw sa'yo. Hindi sa inyo 'tong lupa at lalo ng hindi sa'yo si Jade." Hindi rin patitinag si Althea, hindi sya maaring matakot kay David.