Ready To Take A Chance Again 10

2.9K 118 25
                                    


"24 hour shift ka ngayon?" Jade asked Althea, it's almost 7 o'clock in the morning but they're still on their bed cuddled with each other.

"Nope." Tipid na sagot ni Althea eyes still closed na parang wala pa ring ganang bumangon.

"Then, lika na't mag-ayos anong oras na." Jade motioned to stand pero lalong humigpit ang pagkakayapos ni Althea sa kanya.

"30 minutes pa please."

"Anong 30 minutes ka dyan? Anong oras na Guevarra may pasok pa ang mga bata."

"Ok, 5 minutes na lang." Althea negotiated and Jade can't help but laugh.

"Para kang bata. Lika na." At wala na ngang nagawa si Althea when Jade pulled her up. "Ihahanda ko pa ang mga bata at magluluto pa ako."

"Ako na lang gagawa nyan." Althea said ng makatayo na ito. "Ang mabuti pa, maligo ka na muna. Ako na bahala sa mga bata."

Pero imbes na sumagot, Jade just moved closer and poked Althea's nose. Nakakapanibago kasi talaga ang mga kinikilos nito. Sobrang sweet nito lalo na pag silang dalawa lang.

"What was that for?" Althea asked dahil sa gulat sa ginawa ng asawa.

"Nothing, iniisip ko lang kasi kung ikaw ba talaga iyan o baka napalitan ka na ng alien." Jade joked na kinakunot ng noo ni Althea.

"Bakit, ayaw mo ba ng ganito? Just tell me pagbibigyan kita." Himig tampo nito sa kanya.

"Says who? Honestly, I'm so glad that my old Althea is back." Jade smiled and hugged her wife.

"Have I told you that I love you?" Althea whispered.

"Ahuh, you've already told me that for the nth time yesterday."

"Then let me say it again today. I love you Beb." And Althea then crossed the space between them and kissed her gently.

"Mommy." Ang tinig na iyon ni Iver ang nagpalingon sa dalawa.

"Good morning mahal kong prinsesa." Bati ni Althea sa anak at agad itong kinarga which made her daughter giggle.

"How about me?" Ivan joined them.

"And of course you too Giovanni kulit ko." Althea then bent and started kissing her kids. Jade can't help but smile sa magandang tanawing nakikita.

"How about Mommy Jade?" She said afterwards.

"Naiinggit si Mommy Jade G2 and G3. Naiisip nyo ba naiisip ko?" Althea grinned at may binulong sa mga anak.

"Palagay nga namin G1." The twins chorused.

"Operation ligo na." Sabay sigaw at takbo palabas ng kwarto para makapaghanda na para pumasok sa school.

"Althea, ansama mo talaga." Pahabol na sigaw ni Jade sa kanila pero tawa lang ng tawa ang mag-iina.

*****

"Beb, what time ka makakauwi maya para masundo kita?" Jade asked habang nagmamaneho si Althea papuntang trabaho nito matapos nilang ihatid ang mga bata. That's their daily routine mula ng magkabalikan silang dalawa. Ihahatid nila ang mga anak sa eskwela at ihahatid naman ni Jade si Althea sa trabaho nito. They're using Althea's car.

"6pm siguro." Althea still holding Jade's hand. "Wag mo na akong sunduin, ipagluto mo na lang ako maya."

"Sige na nga, anong gusto mo for dinner maya?" Jade asked ng maiparada na ni Althea ang kotse sa tapat ng fire department kung saan ito volunteer firewoman.

"Adobo na maraming sauce at pinya." Parang batang excited na sagot naman ni Althea.

"As you wished baby bubut ko." Pakikisakay naman ni Jade sa asawa.

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon