They say love is the most powerful thing in the world and that you can't fight it. Some even said that loving someone is the best feeling ever. That if you found your true love wala ka ng ibang maiisip pa kundi ang tuwang nararamdaman mo tuwing kasama mo sya. Na kahit ano man ang pagsubok at problemang dumating ay kakayanin nyo hanggat magkasama kayong dalawa. Dahil wala ng mas hahalaga pa sa pagmamahalan nyong dalawa. At kahit malayo kayo sa isa't isa'y ok lang dahil alam nyong may tiwala kayong dalawa.That's what I thought for almost a year nung kasama ko pa sya. Iyong mga panahong sobra akong nagmahal at alam kong minahal din ako. Iyong mga panahong wala ng mas hihigit pa sa sayang nararamdaman naming dalawa coz we both know we have each other.
Pero lahat ng magagandang bagay pala'y mayroon ding katapusan, at natapos iyon for almost five months now. Na lahat ng masasayang sandali'y biglang magwawakas at magigising ka na lang isang araw na mag-isa ka na lang pala. Na sinukuan ka na nya, na wala na ang pagmamahal na dati'y akala mong hindi na matatapos pa. Na mas pipiliin pa nyang saktan ka kahit alam mong kaya mo pang lumaban para sa inyong dalawa kahit kayo'y magkalayo pa.
Alam kong may mali rin ako pero bakit kailangan nyang gawin sa'kin iyon? Siguro hindi nya talaga ako ganun kamahal dahil kung oo ay hindi nya ako hihiwalayan kahit ilang milya pa and layo ko sa kanya. Pero hindi eh, she chose to leave me still. She chose to break my heart.
Few months ago..
Glaiza is smiling habang tinitingnan ang himbing sa pagtulog na nobya. Nakatulog kasi ito habang nag-uusap sila dahil sa sobrang pagod sa trabaho. Hindi naman nya masisi ito dahil sobrang busy ito sa magdamag na duty nito sa hospital.
"I miss you." She smiled sadly while touching the screen of her laptop king saan nya nakikita ang nobya. Mula ng bumalik ng Dubai si Rhian at iyon na ang tanging paraan para magkausap sila.
Higit isang buwan ng ganito ang sitwasyon nila at kahit medyo nahihirapan na sa long distance relationship nila ay pilit pa ring kinakaya ni Glaiza because she loves Rhian so much. Kuntento na syang nakikita ang tuwa ng nobya tuwing magkukwento ito ng tungkol sa trabaho nito. But she's missing her still, hindi pa rin kasi nya to mapuntahan dahil busy sya sa kaliwa't kanang gigs ng banda nya lalo pa ngayong naka-multiple platinum award na ang Sirendipity album nila.
"Uy Cha, baka matunaw na si Rhian nyan." Pabirong puna ni Kylie ng mapasukan sya sa kwartong nakatitig sa nobya nya.