It was Monday and everyone's busy sa Appraiser and Surveying Firm na pinagmamay-ari ni Engr. Glaiza de Castro kasama ang mga kaibigang sina Engr. Ben Quiambao at Arch. Chynna Cipriano. Masyado silang abala dahil sa mga pending projects na hindi nila nagawa because of the Christmas break, kaya ang usual twelve noon nilang lunch time ay umabot ng alas dos ng hapon. Their firm is one of the best sa Bacolod City kaya maraming kliyenteng lumalapit sa kanila.
At dahil medyo late na so the triumvirate just decided to have their usual native coffee sa paborito nilang karinderya sa tabi ng kanilang office building. At mula sa kanilang pwesto ay rinig na rinig nila ang kwentuhan ng mga kasabay nilang magminindal, it was the mysterious Sleepless Widow of Dumaguete City. It was the talk of the town kahit pa ng mga tauhan nila sa firm kaninang umaga. Kahit si Chynna eh nahook sa kwento ni Rhian and the architect found it so romantic.
"Hey guys, have you listened to the radio last 24th?" Tanong ni Chynna sa mga kaibigan.
"Nope, ano ba meron sa radyo?" Sagot naman ni Ben.
"The lonely widow of Dumaguete?" Si Glaiza.
"Tumpak!" The architect exclaimed. "She's so sweet and in love." She added dreamily. "Nakakalungkot lang kasi kailangan mangyari sa kanya yun."
"Well, everything happens for a reason." Ben answered.
"And maybe her partner wasn't really the one for her. Sigurado iba ang nakalaan para sa kanya. Someone who's really destined to be with her." Chynna explained.
"Hey, don't tell us naniniwala ka sa mga destiny na yan." Ben exclaimed.
"Well, of course. Don't tell me kayo hindi? Wow naman guys, ikaw Ben pano kayo nagpakasal ni Liza kung di sya ang para sa'yo? At ikaw Glaiza, pano naging kayo ni Pia if you're not destined for each other dba?" Mahabang litanya ng arkitekto.
"Naging kami ni Pia when we've decided to bring our friendship to a higher level." Glaiza answered.
"Pano nga ulit kayo nagkakilala?" Tanong uli ni Chynna.
"We first met when she accidentally spilled her coffee on my shirt?" Glaiza sounded unsure.
"Exactly, it was destined na mabuhusan ka nya ng kape kaya kayo nagkakilala at na'in love sa isa't isa." The architect answered. "At ikaw Benjamin, bakit mo pinakasalan misis mo?"
"I married her kasi kung hindi iiwan nya ako." Answered Ben.
"Grabe kayo." Chynna said unbelievably.
"Hey Chynns, don't get me wrong. I love Liz, kaya ko nga sya pinakasalan dahil ayokong mawala sya. But hindi ako yung tipo na naniniwala sa mga destiny destiny na yan." Ben said defensively.
"I agree with Ben." Sang-ayon ni Glaiza. "That destiny thing, ginawa lang yan ng mga tao because they can't stand the fact na lahat ng nangyayari are accidental."
"Fine" irap ni Chynna sa dalawa. "Basta for me, Edward and I are destined to be together. He's my soulmate and the moment we held each others hands it felt like magic." The architect talking about her husband.
Nagkibit balikat lang si Ben dahil ayaw na nyang makipagtalo. Si Glaiza naman eh natahimik na lang din at napangiti. Hindi man nya maamin sa mga kaibigan na mula ng gabing marinig nya ang boses ni Rhian eh hindi na ito nawaglit sa isip nya. Hindi rin nya maintindihan kung ano ang nararamdaman nya. Ang alam nya lang ay gusto nyang makita ang babae at gusto nya pang mas makilala ito.
*****
"Hey mom, you've got bunch of emails." sigaw ni Jonah mula sa sala nila.
Ng hindi bumaba ang ina, the boy just decided to go upstairs to Rhian's room para sabihin ang tungkol sa mga Emails na natanggap nila. He was surprised to see his mom dressed up.