Beauty In The City of Gold 3

2K 100 10
                                    

It was another sleepless night for Glaiza, dalawang gabi na syang ganito mula ng mahospital sya at madischarge. Di nya rin maintindihan kung bakit sya nagkakaganito, nakilala lang niya ang magandang nurse na iyon ganito na sya. Natatawa na nga lang sya kapag naaalala ang mga bagay na pinaggagawa nya kanina ng kasama nya ito. She's already 28 but she felt like a teen-ager na first time nagkacrush.

Well, hindi naman na bago sa kanya ang ganitong sitwasyon. She's a proud lesbian and she was grateful dahil kahit strikto ang mga magulang ay nakuha nilang tanggapin ang totoong sya. Tanggap rin sya ng mga tagahanga nya, mapa-babae o lalake man ay lubos na humahanga sa kanya. Sobrang astig daw kasi nya, dagdagan pa ng pagiging magaling nyang singer at composer. Ang banda nilang apat nina Kylie, Gabbi at Sanya ang isa sa pinakasikat na grupo sa bansa ngayon.

But what confuses her is this feeling na nararamdaman nya sa tuwing makikita ang magandang nurse. Di nya talaga maintindihan, her heart beats so fast everytime she sees Rhian. At ng ngitian sya nito, parang nagwala lahat ng laman loob nya dahil sa saya. Dinadaan nya na lang sa kakulitan para itago ang kaba nya. At ngayong di naman niya ito kasama, hinahanap hanap naman nya ito.

Wow, Glaiza this is the first time na kinabahan ka sa harap ng babae. She smiled as she scolds herself silently. Napapailing na lang sya at binalik ang atensyon sa kanyang gitara. Ito ang lagi nyang ginagawa pag di sya makatulog. She started strumming it and played a song na di nya rin alam kung bakit napili nyang tugtugin.

Listen
Do you want to know a secret
Do you promise not to tell?

Feel na feel nya ang bawat salita habang mahinang kinakanta ang isang Beatles song.

Closer
Let me whisper in your ear
Say the words you long to hear
I'm in love with you

I've known the secret for a day or two
Nobody knows, just we two

Listen
Do you want to know a secret
Do you promise not to tell, whoa oh, oh

Closer
Let me whisper in your ear
Say the words you long to hear
I'm in love with you

"Anong secret yan Cha?" Nagulat si Glaiza ng magsalita si Kylie sa likod nya.

"Kylie Nicole, papatayin mo ba ako sa kaba ha?"

Pero tinawanan lang sya nito. "Peace, feel na feel mo kasi ang kanta. Inspired ka noh?" Patuloy pa rin si Kylie sa panunukso sa kanya.

"Pag kumakanta lang, inspired agad? Di ba pwedeng feel ko lang talagang kumanta?" Inirapan nya lang ito, panigurado kasi pag ikwento nya dito ang tungkol kay Rhian ay aasarin na naman sya nito.

"Weh, kung di ka inspired bat blooming ka?" Di pa rin tumitigil sa pangungulit sa kanya ang kaibigan. Alam kasi nito na may tinatago si Glaiza sa kanila and she's eager to know kung ano man iyon.

"Ewan ko sa'yo." Glaiza answered and stood up to drop their subject. "Goodnight na, matutulog na ako." At agad nga itong pumasok ng kwarto nila para matigil na sa pangungulit ang kasama.

"Di pa tayo tapos uy, you've got some explaining to do." Pahabol na sigaw ni Kylie. "Bat mo kami iniwan kanina ha?"

"Goodnight!"

"Hoy, Glaiza de Castro di pa tayo tapos." Pero di na sya pinansin ni Glaiza kaya hinayaan na lang niya ito. Susunod na sana si Kylie sa loob ng kwarto nila ng mapansin nyang naiwan ni Glaiza ang notebook nito. The one where she writes her poems ang compositions.

"Nang makilala ka ako'y biglang nagbago, luntian kong mundo'y naging makulay sa'yo." Kylie read loudly pero di na nya natapos ang pagbabasa dahil agad hinila ni Glaiza ang notebook nito.

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon