"It's nice to meet you."
-Annie Reed
*****
"Lunes na Lunes pero Biyernes Santo yang mukha mo." nagulat si Glaiza sa biglang nagsalita. It was Chynna, hindi nya napansing nakapasok na pala ito ng bahay nila.
Hindi sya nagreport sa trabaho at nagdahilan na lang syang masama ang pakiramdam pero ang totoo hindi nya pa rin mawaglit sa isip nya ang nangyari sa Dumaguete. She felt that pain in her chest dahil sa nakita nya. Ang babaeng mahal nya ay may kasama ng iba. Sandali, mahal? Yes, mahal nya si Rhian at nakumpirma nya ang nararamdaman ng makita nya ito, pero huli na sya at wala na syang magagawa pa.
"Ano ginagawa mo dito? Di ba tumawag na akong masama pakiramdam ko?" irap nya sa kaibigan.
"Lahat mapapaniwala mo sa dahilan mong yan Glaiza pero ako hindi." the architect answered knowingly. "So, how was it?"
"Ang alin?"
"Stop acting innocently. Alam mo kung ano tinutukoy ko."
"Wala." buntong hininga ng inhenyero.
"Anong wala? Anyare? Wag ka ng pa-suspense pwede?"
Glaiza just sighed in defeat, alam nyang lalo lang syang kukulitin ng bestfriend pag hindi nya knwento ang nangyari.
"Fine, nagkita kami." she started.
"Talaga? Pano kayo nagkita? Kwento mo ang nangyari, bilis."
"Nakita ko sya, but she's with someone na. At sa nakita ko, masaya sila ni Jonah." The engineer said sadly.
"Bokya ka pala. Manang mana ka sa mga paborito mong pagong, ang kupad mo." Tukso ni Chynna sa kanya na kinairap naman nya. "Pero maiba tayo, pano kayo nagkita, pano mo sila nakilala?"
She then told her bestfriend what has happened during her trip. Sinabi nya dito kung paano nya nakilala si Jonah at kung gaano kaganda si Rhian. Pero masaya na ang mag-ina kasama ang babaeng nakita nya at hindi nya makubli sa kaibigan ang sakit na nadarama.
"Hindi na pala mangyayari ang ginawa ko." Bulong ng arkitekto.
"Anong ginawa mo?"
"Wala. So anong balak mo ngayon?"
"Ano pa nga ba, let's just pretend na wala akong nakilalang Rhian." Pilit na ngiti ni Glaiza.
Chynna just sighed dahil alam nyang nasasaktan ang kaibigan. "Pero ang galing, hindi mo na sila kailangang hanapin dba? Dahil tadhana na ang naglapit sa kanila sa'yo."
"Tigilan mo na nga yang mga tadhana mo. Hindi yan totoo, ok?" Irap ni Glaiza.
"Hala, ang ampalaya." Tukso ng kaibigan sa kanya.
"Totoo naman kasi, nandun sila sa terminal kasi sinundo nila yung girlfriend ni Rhian, kung hindi, dapat wala sila dun. Nagkataon lang lahat, at hindi tadhana na sinasabi mo. There's no such thing as destiny, because everything are accidental." Mahabang saad ni Glaiza. "At pwede ba, tigilan mo na yang kakapanood mo ng mga teleserye at pelikula, dahil wala kang mapupulot sa mga yan kundi puro kalokohan."
"Haba nun ah." Chynna chuckled. "Oo na po."
*****
"Jonah anak, let's go. Late na ako ihahatid pa kitang school."
"Mom, wait read this. Someone sent us an email. She's inviting us sa Bacolod this Valentine's day."
"Ok, babasahin ko yan. Pero mamaya na, late na tayo oh."