Ready To Take A Chance Again 4

2.3K 114 13
                                    

I can still recall those love songs we sing,

Inside my mind they're still echoing.

How I miss singing the song Until Forever, boo

The song I sing and hum only for the old you.

-The Old You
Sin Nombre

*****

"Mommy, wake up." Mahinang yugyog ni Ivan kay Althea para gsingin ito. Si Iver naman ay nakayakap sa Mommy Jade nila.

Sobrang excited ang dalawa dahil nangako ang Mommy Althea nila na mamamasyal sila after they hear the Sunday mass.

"Anak, ang aga mong magising. Anong oras pa lang oh." At muli nyang pinikit ang mga mata.

"Mommy." Pilit pa ring gising ni Ivan sa kanya kaya wala na syang choice kundi ang tuluyang dumilat.

"Good morning Giovanni kulit." She smiled at kiniliti ang anak. Agad namang sumali si Iver sa kanila.

"Mommy, are you and Mommy Jade fighting?" Biglang tanong ni Iver.

"No, bat mo naman natanong yan?" Takang tanong ni Althea.

"Bakit po kayo sa floor nagsleep?" Tanong uli ng bata, si Althea nama'y biglang napatigil at nag-isip kung pano lulusutan ang anak. Napapakagat labi naman si Jade para pigilan ang tawa dahil sa pamumula ni Althea ngayon.

"Kasi anak, sobrang agang nagising si mommy kanina. But when I saw na madilim pa sa labas, bumalik ako ulit sa pagtulog. Isa pa baka magising ko si Mommy Jade pag bumalik ako sa tabi nya, kaya dito na lang ako sa floor." Dahilan ni Althea, and how she wished na paniwalaan iyon ng anak.

"Ah, kaya pala." Pakikisakay naman ni Jade para inisin si Althea. Pinandilatan lang sya ng huli.

"Promise?"

"Promise." Pagsisiguro ni Althea.

"If you're not fighting, kiss nga kayo." Pangungulit pa rin ni Ivan.

Napapailing na lang si Althea. Panu ba nya malulusutan to?

"Ivan, kakagising lang ni Mommy, wala pa akong toothbrush. Maya na lang, ok?"

"Naku Ivan, your Mommy Thea is just making an excuse." Nangingiting gatong ni Jade. "Maybe she got jealous with your Tito Dave yesterday."

"Kapal mo ha." sagot ni Athea sabay tapon ng unan kay Jade. "Hindi ako nagseselos."

"Kita nyo kids, she just threw me her pillow."

"Mommy, bad." Ivan scolded Althea.

"Grabe ka." Namumula na si Althea pero patuloy pa rin sa pang-iinis si Jade. She really finds it cute everytime Althea blushes.

Biglang tumayo si Althea, siguro'y talagang napikon na ito.

And before Jade can react, Althea kissed her lips. And its Jade's turn to blush.

"Ok na?" Althea winked at tuloy tuloy na pumasok sa banyo. Leaving the blushing Jade and the kids who are still cheering dahil sa ginawa nya.

*****

"You may give each other the sign of peace." Yun ang hudyat ng pari at agad yumuko si Althea para halikan ang mga anak. It was their first time to hear mass na kumpleto silang apat at sobrang saya ng kambal.

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon