Glaiza is walking by the Lagoon Park looking for her friends dahil late sya sa usapan nilang magbabarkada. They all planned to witness the talked about Super Blue Blood Moon na mangyayari ngayong gabi dahil bihira lang ito. At first ay ayaw sana nyang sumama sa mga ito pero pinagalitan lang sya ni Katrina. Hindi porke daw na busy sya ay hindi na sya sasama sa lakad ng barkada kaya napapayag na lang din sya."Cha!" She heard her best friend Chynna called and when she looked at her direction ay kumaway na ang mga kasama, so sya na lang talaga ang kulang.
"Bakit ngayon ka lang?" Ben asked her at tumabi na sa asawa nitong si Pat.
"Sorry, medyo nalibang sa trabaho kaya di ko na namalayan ang oras." Kamot kilay nyang sagot.
"Ayan, puro na lang trabaho iniisip mo kaya laging nagtatampo si Rhian sa'yo eh." Bulyaw ni Katrina kaya binatukan sya ng katabi nitong si Chynna, di kasi mapigil ang bunganga.
"Napaka mo talaga kahit kailan." Chynna said.
"Totoo naman ah." Irap pa ni Kat, sa kanilang magbabarkada kasi'y ito ang pinakaclose sa nobya ni Glaiza.
"Bakit Cha, hindi pa ba kayo nag-uusap? Matagal tagal na yang tampuhan nyo ah." Pakikisali na ni Patricia sa usapan.
Glaiza just smiled sadly sa takbo ng usapan ng mga kaibigan. She then sat beside Patricia at nakisalo sa kinakain nitong chips.
"Paano ko makakausap eh ayaw naman nyang sagutin telepono nya." Glaiza sighed dahil kahit sya mismo ay di na nya alam kung paano suyuin ang nobya.
"Glaiza, napapadalas na kayong ganyan ha." Di naman napigil ni Ben ang magkomento.
Napatigil na lang ang inhenyero when she realized it too. Mukhang tama si Benjamin dahil nitong mga huling linggo ay lagi na silang nag-aaway ni Rhian dahil medyo nawawalan na sila ng oras sa isa't isa. Magtatampo ang huli dahil sa dami ng projects ni Glaiza. Ganun din ang inhenyero sa nobya dahil sa dami ng natatanggap din nitong proyekto lalo na ang bago nitong teleserye. Hindi na talaga sila nagtatagpong dalawa.
Akbay ni Ben ang nagpabalik ng diwa nya kaya napatingin sya dito. "Maaayos din yan." The man smiled na tinugon naman nya.
"Sabi sa'yo Pat, kung binasted mo lang sana tong si Quiambao sila talaga ni Cha ang magkakatuluyan." Chynna commented which made all of them laugh. Mabuti na lang at may kaibigan silang ganito who can lighten things up.
"At kayo namang dalawa ni Katrina?" Balik tukso ni Patricia kaya umaktong nasusuka si Chynna.
"Ang choosy neto." Batok ni Kat sa katabi.
"Disagree ako dyan nay." Natatawa pa ring saad ni Ben. "Paniguradong laging may world war pag ang dalawang to ang magkakatuluyan." At humagalpak na sila ng tawa lalo na si Glaiza. Thank God for this kind of friends.
"Tama na yan ha, baka mapikon yang si bansot." Sali ni Glaiza sa usapan.
"Ikaw, di ko alam kung best friend ba talaga kita. Gagatong ka din eh." At nagkunwari pang nagtampo ito sa kanya.
"Wag kang ganyan, di bagay." Pambabara ni Katrina dito.
"Tama na yan ha." Awat n Pat sa dalawa. "Look, ayan na oh. Nagsisimula na ang eclipse."
Sabay nga silang tumingala at kita nila ang unti unting binabalot na ng anino ng mundo ang buwan.
"Wow." Chynna exclaimed.
"Ganda naman." Segunda naman ni Katrina.
"Galing noh?" Baling ni Ben kay Glaiza and the latter just nodded.