Ready To Take A Chance Again 8

2.6K 116 5
                                    


You never fail to make me smile..

And you show me everything is worthwhile.

We've been through thick and thin,

And we always show the world we always win.

- Sin Nombre


*****

"Anong klaseng kalokohan to?" Tanong ng nanay ni Althea sa dalawa habang nakayuko ang mga ito, hindi alam kung sino ang magsasalita sa kanila. Agad silang dumiretso sa apartment ni Althea para makausap ang mga magulang nito ng magkita sila ng hindi sadya habang namimili. "Hindi kayo magsasalita ha? Panu nangyari to Althea ha? Kaya pala siguro hindi ka na umuuwi dahil may ginawa kang kalokohan." Pabalik balik pa ito sa paglalakad habang pinipigil ang galit sa anak.

Sino ba naman kasing mag-aakala na may anak na pala si Althea? Ng huli itong umuwi ng probinsya ay wala pa itong kasamang  Jade at anak na kambal. It was only six months ago.

"Nay, please calm down. Upo muna kayo please." Pagpapakalma ni Althea sa ina.

"Panu ako kakalmang bata ka? Kung hindi kami lumuwas ng tatay at kapatid mo hindi namin malalaman tong kalokohan mo."

"Cristina, huminahon ka muna. Hayaan mong magpaliwanag ang mga bata." Sabat naman ng tatay Boy nya habang inaabot ang baso ng tubig sa asawa. "Althea, Jade, sagutin nyo ang nanay nyo. Ipaintindi nyo sa amin kung panu nangyari to."

"Mahabang kwento po kasi tay." Kamot ulong sagot ni Althea dahil di nya alam kung panu magsisimula.

"Edi habaan natin ang araw. Alas tres pa lang naman at kasama naman ng mga bata ang tito Alcris nila." Seryosong sagot naman ng ama.

"Tay, nay?" Utal na simula ni Jade, ninenerbyos kasi talaga sya lalo na ngayong kaharap ang magulang ng asawa. It was more than seven years ago when she last saw them. "Sorry po.." pero hindi na sya pinatapos magsalita ni Althea.

"Tay, kasi po matapos makapasa ni Jade sa Bar Exams nagpasya po syang ampunin ang kambal." Simula ni Althea habang hawak ang kamay ni Jade. "Pangarap po kasi namin na magkaroon ng anak na kambal..."

"Pero si Jade na lang ang tumupad dahil iniwan mo sya." putol ni nanay Cristy sa anak.

Nagulat si Jade sa sinabing iyon ng nanay ni Althea but she can't say something dahil pinisil ng asawa ang kamay nya na parang nagsasabing hayaan na lang nya ito.

"Cristy, patapusin mo munang magpaliwanag ang anak mo." Saway ng tatay nya sa asawa.

"Pero totoo naman dba? Nagulat na lang tayo noon ng maghiwalay itong dalawa eh mukhang wala naman silang problema."

"Nay, alam nyo naman ang rason kung bat ko ginawa iyon dba? Di ko po kayang pagsabayin si Jade at ang pag-aaral ko."

"Althea." Iyon lang ang tanging nasabi ni Jade. She can't believe it na binaligtad nito sa mga magulang ang dahilan ng paghihiwalay nila noon. Kaya pala wala syang nakitang galit mula kay Nanay Cristy dahil hindi pala nito alam ang totoong nangyari.

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon