"What if someone you never met,
someone you never saw,
someone you never knew,
was the only someone for you?"
-Sleepless in Seattle
*****
Anim na buwan mula ng mawala sa kanya ang babaeng pinakamamahal nya. Anim na buwan na syang nangungulila. Anim na buwan na rin syang nabibingi sa katahimikan ng kanilang tahanang dati'y punong puno ng tawa at saya. Anim na buwang walang mahimbing na tulog dahil sa kakulangang nadarama. Sa loob ng anim na buwan ito ang napupuna ng anak nyang si Jonah.
******
December 24, 2015
Bisperas ng pasko at ang lahat ay tuwang tuwa lalo na si Glaiza dahil sa mismong gabing 'to ay ipapakilala na sya ng pormal ng nobyang si Pia sa pamilya nito. Sa loob ng anim na buwang relasyon nila, hindi nya mapigil ang kasiyahang nadarama. Wala na syang mahihiling pa.
Masaya syang nagmamaneho papunta sa bahay ng katipan ng magpasyang buksan ang radyo ng kanyang sasakyan. Pakanta kanta pa sya ng isang radio station ang kumuha ng kanyang atensyon.
"Merry Christmas everyone." simulang bati ng isang bibong dj . "DJ Patty is now signing in. At dahil Christmas Eve po ngayon, isang maswerteng caller po ang pagbibigyan natin sa kanyang hiling."
"May mga ganyang pakulo pa kayong nalalaman ha." Nasabi ni Glaiza sa sarili. Nagsimula na rin syang maghanap ng mas magandang istasyon pero walang syang mahanap kaya nagpasyang doon na lang makinig sa programa ni DJ Patty.
"Alright folks, here's our lucky caller. Hello?" nagsalita ulit ang DJ.
"Hello?" tinig ng isang batang lalaki ang sumagot.
"Hello cutie pie, what's your name and how old are you? You sound cute" tanong ulit ng DJ.
"Jonah po, Jonah Howell. I'm eight years old." sagot naman ng bata.
"Wow, so our lucky caller is this cute eight year old kid. You're calling from where Jonah?" the DJ again.
"From Dumaguete City po." sagot ulit ng bata.
"Hmm, so our lucky caller is from Dumaguete City. Hello Jonah, ikaw ang unang caller at dahil dyan kahit anong wish mo ibibigay namin." giliw na sabi ng DJ sa bata.
"Nako Jonah, wag kang magpapauto dyan." sabat naman ni Glaiza na parang kasali sya sa usapan sa loob ng radyo.
"Alam ko po, pero ang wish ko ay hindi po para sa akin, para po sa mommy ko." sagot ng bata.