Mag-aala una na ng magdesisyon kaming umuwi. May inihanda pa kasi ang mga kaibigan ni Glaiza para sa birthday nya at hindi rin sya pumayag na hindi ako sumama. Tuwang tuwa naman si Jason dahil makakasama pa daw nya ng mas matagal ang Sirens Grin. Mababait naman kasi talaga ang mga kabanda ni Cha kaya feeling close tuloy ang bestfriend ko sa kanila. Medyo makulit din sila dahil lagi nila kaming tinutukso ni Glaiza lalo na pag nahuhuli nila kami na parang may sariling mundo. Pero ganun pa man, masarap pa rin silang kasama.
"Sigurado kang ayaw mong magpahatid?" Glaiza asked me habang hinihintay namin si Jason dahil nag'cr pa ito.
"Di na, ok na kami dito sa jeep ni espasol." I answered at natawa sya dahil sa panggagaya ko ng tawag nya kanina sa kaibigan ko kaya nakitawa na rin ako. "By the way, bagay sa'yo." Dagdag ko na tinutukoy ang regalo kong sumbrero sa kanya.
"Weh, bola." she answered chuckling.
"Totoo."
"Kahit mamatay pa ang langaw dyan sa tabi?"
"Kahit ang camel pang iniwan ko sa Dubai ang mamatay." Sagot ko na sabay nagpatawa sa aming dalawa.
"Isuot mo na lang to para di ka lamigin." She said offering me her leather jacket.
"Hindi na, mas kailangan mo iyan dba masama pakiramdam mo?"
"You need this more lalo pa't owner tong sasakyan nyo. Isa pa, ok na ako. Sa galing ba naman ng nurse ko." She insists na may kasama pang pambobola kaya hindi na ako tumanggi pa.
"Rakista ka nga talaga noh, ang hilig mong mambola."
"Uy hindi ah." She said defensively. "So panu, bukas ulit?"
"Anong bukas ulit?" painosente kong tanong sa kanya.
"Birthday ko, date mo ako?" parang batang sagot naman nya kaya mahina akong natawa. "Oh bakit? Totoo naman ah."
"Wala naman. Kasi naisip ko, birthday mo na ngayon tapos birthday mo ulit bukas?" Panunukso ko sa kanya.
"Oo nga noh." And she laughed with me. "Sige, uulitin ko na lang. Nurse Pretty, pwede mo ba akong samahan mamaya pag may araw na para makapagsimba. At kung papayag ka, lulubusin ko na rin, pwede ba tayong mamasyal pagkatapos?"
"San naman ba tayo mamamasyal?"
"Sa lugar na pwedeng umapak sa damuhan para mawala ang stress natin?" She answered at lalo akong natawa dahil naalala ko ang pamamasyal namin sa Miracle Garden sa Dubai.
"Panu naman kung hindi ako pumayag?" Patuloy pa rin ako sa pagtatanong dahil naaliw ako sa mga rections nya. Para kasi talaga syang bata.
"Pag di ka pumayag, malulungkot ako; pag nalungkot ako di na ako ngingiti kahit kailan; pag di na ako ngumiti papangit ako at wala ng magkakagusto sa banda namin, malalaos kami; pag nalaos kami syempre maghihirap na ako nun wala ng gigs eh; pag naghirap ako, syempre walang pera magkakasakit ako; pag nagkasakit syempre mamamatay na ako at pag nangyari yun wala ng Glaiza. Ayaw mo naman sigurong mangyari yun dba?" Mahabang litanya nya na sobrang nagpatawa sa'kin. And I've suddenly realized how much I really missed her, lalo na ang kakulitan nyang ito. "Kaya papayag ka na dba?"
"Sige na nga, baka kasuhan pa ako nina Kylie pag nangyari yang mga sinabi mo."
"Yes." And there goes her childishness again. Nagtatalon sya na parang batang animo'y binilhan ng paborito nyang laruan. "Sabi mo yan ah, wala ng bawian."
"Opo, ayoko namang maging dahilan ng kalungkutan mo. Panu, ayan na si labanos alis na kami." Sabi ko ng makita kong papalabas na ng bar si Jason. "Ingat kayo."