Until Forever 10

508 34 3
                                    


Maaga syang nag-ayos for her early flight pabalik ng Bacolod dahil for the first time after a year ay tumanggap sya ng bagong kaso sa nasabing siyudad. It was a quick decision for her kahit pa hindi pa nya nababasa ang records dahil napilit sya ng kaibigang abogado rin na hawakan ang kaso dahil alam nitong mapapanalo nya ito. Her lawyer friend told her na malabo ang mga ebidensya ng mga pulis na humuli sa akusado. At dahil nga gusto na nyang makasama lagi ang mag-ina nya kaya napapayag sya.

She filed an Entry of Appearance for the said case thru email just this Monday at ngayong Huwebes na ang hearing. She could've filed a postponement dahil hindi nya pa nababasa ang records na sinend ng kaibigan nya sa kanya but she thought that she can do it orally later hoping the prosecutor and the judge will accept it. Isa pa gusto nyang makatayo ulit sa loob ng korte ng Bacolod City.

She was just seating inside her private plane at tumitingin sa mga ulap sa labas ng bintana. She really missed Iver and she can't wait to be with her again. Sinadya nyang wag magsabi kay Glaiza para masurprise ang mag-ina nya. She smiled ng maalala how her wife hated surprises pero wala na din itong magagawa pa.

Inayos muna nya ang buhok at hinubad ang blazer nya para maayos syang makaupo then decided to scan the files of her new case. Nalilibang sya sa pagbabasa at napapangiti pa dahil sa nakikita nyang butas ng kaso na syang gawa din ng mga pulis na umaresto sa bago nyang kliyente. The latter have been arrested because of illegal gambling pero nakita ni Rhian na may dagdag kaso pa itong R.A. 9165 o illegal drugs. Unang naisip ni Rhian na planted na naman to ng mga pulis na walang magawa para dumami lang ang masampahan nila ng kaso. This kind of policemen makes Rhian sick buti na lang hindi katulad ng mga ito si Glaiza. Pero nanlaki ang mata nya at di makapaniwala ng makita ang mga arresting officers ng naturang kaso, Police Corporal (PCpl) David Lim at Police Staff Sergeant (PSSg) Glaiza Galura. Mahinang napamura si Rhian dahil sa mga nabasa nya. She then found out na initial trial for the prosecution ngayon at ang witness ay ang magaling nyang asawa. Biglang sumakit ang ulo ni Rhian sa mga bagay na bumulaga sa kanya. She's torn between the job she love the most and the woman she too love the most.

It's 7:45 in the morning ng makalapag ang eroplanong sinasakyan nya and she's running late. Di pa sya mapalagay dahil sa mga bagay na natuklasan nya. Lakad takbo ang ginawa nya para marating ang parking lot kung saan naghihintay ang driver nila na maghahatid sa kanya sa Hall of Justice. Sinusubukan nya ring tawagan si Glaiza para ipaalam dito kung ano ang mangyayari mamaya pero ang magaling nyang asawa'y hindi man lang sinasagot amg cellphone nito.

"Damnit Glaiza pick up the phone!" Naiinis na sya dahil nakailang missed call na ay di pa rin ito sumasagot. She knows na ugali na ni Glaiza na wag tumanggap ng tawag everytime na uupong witness pero sana naman may exception sa kanya.

8:35 am. Mabilis na lakad ang ginawa ni Rhian pagkapasok ng Hall of Justice dahil late na sya sa 8:30 hearing nila at mas stressful dahil kailangan pa nyang makausap si Glaiza na hindi pa rin sumasagot sa tawag nya. Parang gusto na nyang kulutin ang straight na buhok ng asawa dahil sa inis nya sa mga nangyayari ngayon.

Mabilis nyang inakyat ang hagdan papuntang second floor ng gusali kung saan nandoon ang RTC Branch 46 para sa hearing nyang alam nyang late na sya. But a sigh of relief came out of her mouth ng makita ang taong kanina pa nya tinatawagan na nakaupo sa labas ng korte, malamang ay pinag-aaralan nito ang mga testimony nya. Mabilis syang naglakad para sana makausap ito pero agad ding tumayo si Glaiza para pumasok na ng korte.

Napalingon sa kanya ang asawa at kunot ang noo nitong nakatingin sa kanya ng pareho nilang hawakan ang doorknob para makapasok.

"May hearing ka dito?" Nagtatakang tanong ni Glaiza sa kanya.

"Cha, I've been trying to call you kanina pa." Medyo hinihingal nyang sagot sa asawa. "We have to talk."

Naputol ang mga susunod pa nyang sasabihin ng bumukas ang pinto at niluwa nito si Atty. Ibarra. Kilala ni Rhian ang nakakatandang abogado dahil naging professor nya ito sa law school. "Officer Galura, salamat at nandito ka na, the trial is about to start. Tara na?" Tanong nito kay Glaiza na tinanguan naman ng asawa nya.

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon