Mischievous Stars 5

1.9K 88 10
                                    

You accidentally bumped into my life one day,

And you brought colors to it that's once was gray.

Funny to think how opposite we are from each other,

Yet, those differences made us stick together.

- Sin Nombre

*****


Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi ni Rhian hanggang sa makauwi na sya. At hindi yun nakalampas sa paningin ng kanyang ina ng samahan nya ito sa kanilang kitchen habang nagluluto ito ng kanilang hapunan.

"Ang saya ata ng anak ko ah." Her mom teased after Rhian kissed her.

"Di naman po, medyo excited lang ako para bukas." Rhian smiled.

"Sabi mo yan ha." Nakangiting sagot na lang ng ginang kahit hindi sya kumbinsido. "Sabi ng Tita Cristy mo excited din daw si Glaiza na makita ka."

"Kamusta na po kaya sya noh? I never really thought na magkikita na ulit kami bukas, ni hindi ko na nga matandaan kung anong hitsura nya." Hindi matago ang excitement sa mukha ni Rhian.

"Naku anak, napakagandang bata nyang si Glaiza, sobrang talino pa. I'm sure you guys will really get along."

"Hon, can you come over here please?" Tawag naman ng daddy nya mula sa kanilang living room na nagpatigil sa kwentuhan nila ng mommy nya.

"Yes dear, may problema ba?" Sagot naman ng mommy nya habang naglalakad. Rhian followed her para malaman kung anong nangyayari.

"Honey, where did you get these flowers? I didn't know that we've got green roses here." Rhian's dad asked.

"Akin po yan dad, bigay po ng kaibigan ko." Si Rhian na ang sumagot.

"Friend only?" dudang tanong naman ng daddy nya habang nakikinig lang ang Mommy Clara nya.

"Dad, ano po bang tanong yan? Of course, kaibigan ko lang po sya." hindi na maitago ni Rhian ang pamumula nya.

"Coz dear, kung magkaibigan lang kayo, pwede ka nyang bigyan ng ibang bulaklak pero bakit roses dba?" Sabat ng mommy nya na nakangiti.

"Exactly." Her dad seconded. "And do you know that these roses are special? You can never find them here, they're unusual."

"Yes po, nasabi na rin po nya sa'kin." Rhian nodded.

"And you will never give these flowers to someone unless she's special to you, you got me dear?" Her dad pointed out. Napangiti rin si Rhian dahil sa mga narinig. Ibig bang sabihin nyan ay special sya para kay Cha? Lalo syang namula sa mga naiisip nyang yun.

"May di ka ba kinukwento sa amin Yon?" Putol ng ina sa mga iniisip nya.

"Wala po." She just smiled. "Hindi naman po totoong green yan eh. Kinulayan lang po. Isa pa, babae po ang nagbigay sa'kin nyan kaya malabo po ang mga sinasabi nyo." Tumaas ang kilay ng mga magulang nya dahil sa mga sinabi nya na parang hindi sila naniniwala. "Fine." Rhian sighed at napaupo na lang sa sofa. "Lesbian po sya. Pero hindi po ako ang gusto nya." She added defensively.

"Pero ikaw, gusto mo sya." her mom said. Hindi alam ni Rhian ang isasagot sa ina. Napayuko na lang sya dahil di nya kayang tingnan ang mga magulang at ayaw rin nyang magsinungaling sa mga ito. She likes cha at kahit mismo sa sarili nya ay di nya ito matago. "Oh my God." her mom added ng makuha nito ang hindi masabi ni Rhian.

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon