Ready To Take a Chance Again 3

2.4K 106 15
                                    

The way you smile at me every morning,

And those messages of Olive Dew you send in the evening.

How I miss those sweet things you do,

Things done by the old you.

-Sin Nombre

******

Maagang nagising si Althea kinabukasan. Napangiti sya ng maramdamang mahigpit pa rin ang yakap sa kanya ng mga bata habang mahimbing na natutulog. She moved slowly para hindi nya magising ang mga ito.

She glanced at them again watching the peaceful ups and downs of their chests as they breath. They're so adorable and its hard not to love them.

Iver's puppy eyes everytime maglambing ito, talagang hindi ka makakatanggi. And Ivan's inquisitiveness na imbes kainisan mo'y mas katutuwaan mo pa.

Untiver Therese and Giovanni Paulo. Althea can't stop smiling with those names. Ginamit pa rin ni Jade ang mga pangalan na gusto nilang ibigay sa mga magiging anak nila sakali. Names which came from their favorite saints, St. John Paul II and St. Therese.

Magiging madali lang sana ang lahat kung hindi si Jade ang nanay nila. It's been seven long years, she had already moved on. Alam nya sa sarili nya yun, pero bakit biglang naglaro ang tadhana at muli silang pagtatagpuin nito. At ang mas nakakatawa ay may baon pang dalawang makukulit at malambing na chikiting.

Ok na sana lahat. Everything were already in place. She's satisfied sa buhay nya bilang volunteer firewoman ng magdesisyon syang itigil ang pagiging abogado dahil sa pagpalpak ng huling kasong hinawakan nya. Tahimik na ang buhay nya kahit sabihin nating hindi man sya lubos na masaya, ang mahalaga'y kuntento na sya.

Pero ngayon bigla na lang syang magigising na may instant anak na sya. Nakakatawa dba?

"Hay Jade, bat mo ba ako ginaganito?" She silently asked.

Pagkatapos nyang maghilamos agad syang bumaba para magpaalam na dahil may trabaho pa sya. Pero mabangong amoy ng corned beef ang sumalubong sa kanya. Iyon ang paborito nyang agahan.

"Good morning po." Bati nya sa mommy Amanda ni Jade ng mabungaran nya itong nag-aayos ng pagkain sa mesa.

"Good morning Althea." The lady smiled. "Lika na, breakfast is ready."

"Hindi na po, magpapalam lang po sana ako."

"Ano ka bang bata ka. Lika, sayang tong niluto ni Jade para sa'yo. Isa pa, hindi ka nakapaghapunan kagabi."

"Si Jade po may gawa nito?" Nagtatakang tanong ni Althea.

"Ahuh, paborito mo daw kasi ang corned beef at sunny side up sa umaga." Makahulugang ngiti nito sa kanya.

"Thank you po." Althea smiled shyly. "Asan na po pala sya?"

"Good morning." Hindi na kailangang sagutin pa ng ginang ang tanong na iyon ni Althea because Jade already joined them.

Nakaligo na ito at handa na para pumasok sa opisina. Lalo itong gumanda sa suot nitong puting blouse at kulay krema nitong blazer at slacks. Natulala si Althea sa ganda ng babaeng kaharap nya.

"Althea?" Jade said para makuha ang atensyon ng kaharap.

"Ha? May sinasabi ka?"

"Wala naman. I'm just asking you kung ganu karaming cream ang ilalagay ko sa kape mo." Jade smiled habang napabuntong hininga na lang si Althea.

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon