Beauty In The City of Gold 11

1.8K 109 20
                                    


"Good morning gumybie." Nakangiting bati sa'kin ni Glaiza paglabas ko ng restroom. Katatapos ko lang mag-ayos dahil mamamasyal kaming apat ngayon kasama ang handler nila sa Sinulog street dance parade. She's looking great with her white V-neck shirt and tattered jogger pants na pinarisan rin nya ng puting sneakers. 

"Glaiza, sigurado ka ba na puti talaga yang susuotin mo?" Puna ko sa kanya seeing her outfit, alam ko kasing madudumihan lang iyon mamaya. "Magpalit ka ng black tshirt." Pero imbes na sundin ako, lalo lang akong nginitian ng kumag so I just rolled my eyes at her.

"Mas ok kaya tong suot ko." Nakangiti pa rin nyang sagot sa'kin. "Naisip ko lang kasi na mas maeenjoy natin tong Sinulog pag puti ang suot natin kasi makikita mo ang pinturang malalagay dito mamaya. Para na rin tayong nagpaprint ng abstract sa tshirt natin."

"Ganun?" I asked again unconvinced.

"Yup, kaya magpalit ka na rin ng puting tshirt." She said at tinulak na ako pabalik ng banyo at inabot sa'kin ang dala ng Tshirt kaya wala na akong nagawa para tumanggi pa.

"Gumybie, bat parang tumaba ka ata?" Glaiza said seriously ng makalabas na ako ulit wearing the Vneck shirt she gave me. Bigla naman akong naconscious kaya napatingin ako sa salamin sa kwarto naming tatlo nina Sanya at Gabbi.

"Ha? Parang di naman ata Nerdy eh. Sigurado ka ba?" I asked her again habang sinisipat pa rin ang sarili ko sa salamin.

"Yes I am." Paniniguro pa nito. "Kasi nung una tayong magkita sa Dubai sobrang liit mo kaya siguro nagkasya ka agad sa puso ko, pero ngayon sigurado akong lumaki ka, di ka na makalabas dito eh." Dagdag nyang seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha habang tinuturo ang kaliwang bahagi ng dibdib nya kaya talagang aakalain mong seryoso sya pero bumabanat lang pala.

"Ikaw, ang aga aga." Naniningkit ang mga mata kong baling sa kanya dahil sa inis.

"I love you gumybie, peace tayo." Pagpapacute nya showing me the peace sign.

"Bahala ka sa buhay mo." Irap ko sa kanya at tuluyan ng lumabas ng kwarto, hindi ko na sya nilingon ng tawagin nya ako. Sa totoo lang kasi'y kinilig ako sa banat nyang iyon pero ayokong ipahalata kaya inunahan ko na ng inis.

Glaiza, she's the person who can easily make me smile kahit sa maliit pero simple gestures nya. Sya din yung taong lagi akong naiinis lalo na pag umaaligid sa kanya ang Arci Munoz na iyon. Sumpungin sya minsan at sobrang kulit naman sa lahat ng pagkakataon. Pero kahit ano pa man sya, isa lang ang sigurado ako, in love ako sa kanya. At kung kelan ko sya sasagutin sa panliligaw nya? Malapit na, naghahanap lang ako ng magandang pagkakataon.

Pagkababa namin ni Glaiza sa lobby ng hotel, panunukso ng tatlo ang bumungad sa amin dahil sa matching outfit daw naming dalawa. Masaya namang nakikisakay si Glaiza sa kanila pero inirapan ko lang sya.

We then walked through the busy streets of Cebu City kung saan nagsisimula na ang kasiyahan. Suot ng apat ang makakapal na sunglasses and their caps para hindi sila makilala ng mga tao. Manghang mangha kami sa ganda ng selebrasyon in honor of  the miraculous Sr. Sto. Nino na syang patron ng Cebu. Halos hindi na nga kami makagalaw sa dami ng taong nakikisaya, mabuti na lang at hindi ako binibitawan ni Glaiza. May mga pintura na rin ang mga tshirt namin pero balewala lang iyon, ang mahalaga'y nag-eenjoy kami.

Ng magsimula na ang dance parade ay nakisiksik din kami para makita namin ito ng malapitan. Everything's beautiful and everyone is painting the town red. Ang apat na isip bata nama'y nakikisayaw pa at sumasali sa dance parade mbuti na lang talaga at may mga salamin sila kaya di sila nahahalata, dagdagan pa ng mga pintura  na napahid sa mukha nila.

Olive DewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon