Eight-fourty-five pm.
Bakit ba ang tagal mag-nive pm? Kanina pa ako naghihintay dito sa airport, ngayon kasi ang dating ng cast ng 'Hi, Love' na movie nina April Agustin at Martin San Diego. Martin San Diego is my long-time boyfriend, we've been in a relationship for more than one-year, and I really really missed him! One month din kasi silang nagtaping sa Japan para sa movie nila kaya one month din kaming hindi nagkita.
"Si Sydney ba 'yon? 'Yong girlfriend ni Martin?" Rinig kong bulong ng isang dalaga sa kan'yang kasama.
Katulad ng inaasahan, maraming mga fans at media ang naghihintay sa pagdating nina April at Martin, kaya medyo punuan itong airport.
"Nasaan?"
"Bulag ka ba? Ayon, oh, tinuturo ko na nga, diba?" Pasimple ulit akong tinuro ng babae kanina habang ang boses ay naiinis na.
Dahil doon, naagaw na nila ang atensyon ko kaya napalingon na ako sa kanila.
"My gosh, ang ganda n'ya!" Kinikilig na tanong ng isang babae.
Nginitian ko naman sila at kinawayan.
Sanay na ako sa mga ganitong tao. Sanay na akong makipagsalamuha sa kanila dahil isa akong artista at alam ko na sa bawat galaw ko may camera at taong nag-aabang sa akin."Hala kinawayan n'ya tayo!"
Dahil sa sigaw na 'yon, napalingon na sa kanila ang iilang mga tao na may dalang mga banner at pagkatapos nito ay sa akin naman sila napapalingon.
"Ma'am, idol po talaga kita. Pywede po bang magpapicture?" Nilapitan na ako ng dalawang babae at kaagad nilang inabot sa akin ang kanilang cellphone.
"Oww, sure!"
Hindi sila ang unang tao na nagpapicture sa akin dahil kanina habang naghihintay ako may iilan na ring mga tao ang nagpapapicture sa akin. Hindi ko nga akalain na makikilala nila ako kasi wala akong make-up, nagulat na lang nga ako ng may mga lumapit na sa akin at nagpapicture.
Nang nasa tabi ko na ang isang babae kaagad kong inakbay ang kanan kong braso sa balikat n'ya, mahina namang napasigaw ang babae ito.
"Pwede na 'yan, ako naman!" Sigaw ng kasamahan nitong babae at nakipagpalitan ng cellphone sa babaeng katabi ko kanina.
"Ma'am, peace sign tayo!" Tawa ng bagong babae sabay pakita ng dalawa n'yang daliri na nakapeace sign. Tumawa naman ako dito at hindi kalaunan ay ginaya na ang peace sign n'ya.
Natigil lamang ang pagpipicture ng babae nang magsigawan na ang mga babaeng may mga dalang banner. Kaagad ko silang nilingon at nakita kaagad ng mga mata ko sina Martin at April na pinagkakaguluhan ng mga fans at media. Kaagad namang lumapit ang security at hinarang ang mga katawan para makalakad ng maayos ang dalawang artista.
Kita ko kung pa'no ipagtabuyan ng mga security ang mga fans na nakikipagsiksikan, at kita ko rin kung pa'no magsiksikan ang mga media sa mga security para makuhanan ng panayan sina Martin at April. Galing kasi sa magkabilang network ang dalawa pero parehong sikat. Sayang nga lang at ako sana ang kukunin nilang leading lady ni Martin kaso nga lang at may drama pa akong ginagawa noon na ngayon ay tapos na.
Panigurado, sila na naman ang laman ng social media bukas. Sikat kasi silang pareho at maraming fans.
Napangiti ako nang malapad at kumaway kay Martin nang magtagpo ang mga mata namin at ngumiti s'ya at kumaway sa akin.
Ayaw kong makipagsiksikan sa mga tao. nakakahiya kasi kung ganoon ang gagawin ko. Afterall, artista pa din ako at may iniingatang image.
"April, masarap bang katrabaho si Martin?" Rinig kong tanong ng isang reporter nang makarating sila sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
RomanceSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...