"Ehem..." Tikhim mula sa likod ko.
Hindi ko na kailangang lumingon pa, kasi kilalang-kilala ko ang boses ng taong tumikhim. Suminghap muna ako ng maraming hangin at ngumiti ng malapad bago lingunin si Aeiou.
"Hi!" Maligaya kong bati sa kan'ya habang pinipigilan ang mga luha na nagbabadyang tumulo sa aking mga mata. Hindi naman ako nginitian ni Aeiou pabalik, he just wear his blank face.
"Hindi ka ba nasasaktan sa ginagawa mo, Sydney?" Tanong n'ya habang ang mga mata ay nasa papel na hawak-hawak ko. Itatago ko na sana ang papel sa aking likod nang maunahan n'ya ako. He got the papel from my hand.
Agad naman akong napatayo sa kinauupuan ko. "Aeiou ano ba!" Sigaw ko sabay kuha sa kan'ya ng papel na kinuha n'ya sa akin kanina. Nagtagumpay naman akong agawin ito mula sa kan'ya.
"Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Akala mo ba hindi ko alam?" Tanong n'ya sabay angat ng baba ko paharap sa kan'ya. He face me directly in my eyes. Hindi ko naman kayang titigan ang kan'yang mga mata kaya napatungo ako. "I know, wala kang tulog. Hindi ka natulog kagabi. You just spent your time reading hate comments —"
"Natulog naman ako, ah!" Sagot ko sabay alis ng kan'yang dalawang daliri sa baba ko. Gusto kong iwasan ang topic na ito.
"Come on Sydney. Kahit hindi ako natulog dito kagabi. Alam ko, hindi ka natulog. You just cried all night." Lumamlam naman ang mga mata ni Aeiou. Napaiwas naman ako ng tingin sa kan'ya. Ayaw kong kaawan n'ya ako.
"Can you stop reading that letter —"
"B–Bakit ba?!" Hindi ko na mapigilan ang boses ko na tumaas. "Bakit ba ayaw mong mabasa ko 'yong...'yong, h-huling letter ni —"
Hindi ko na natuloy ang dapat kong sasabihin nang higitin na ako sa bewang ni Aeiou at yinakap ng mahigpit. Hindi ko naman mapigilan ang mapayakap rin pabalik sa kan'ya habang ang kaninang mga luha na nagbabadya pa lamang ay tumutulo na. Martin gave me a letter. He gave me a letter, a last letter. May pumuntang pulis dito kanina at may ibinigay sa akin. They told me na para daw sa akin ang sulat. Galing kay Martin. Nakita daw nila ito sa sahig at ang sabi sa sulat ay ibigay ito sa akin kapag patay na s'ya. Habang binabasa ko nga 'yong letter, lagi akong umiiyak. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak.
"Stop crying, baby," Pagpapatahan ni Aeiou sa akin habang hinihimas ng marahan ang likod ko. "Kagabi, hate comments 'yong binabasa mo, ngayon naman letter? Hindi ka ba napapagod umiyak, baby? Hindi ka ba naawa sa sarili mo?" Tanong n'ya sabay halik sa tuktok ng buhok ko.
Totoo ang sinabi n'ya, hindi ako natulog kagabi. I just spent my time reading hate comments towards me. They were all pointing their fingers towards me. Ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Martin. Especially ng mga fans ni Martin.
Matapos ang ilang minuto na yakapan at ilang minuto na walang salitaan. Ako na mismo ang kumalas sa pagyayakapan naming dalawa.
"Aeiou, diba..." Nahihirapan kong pagsasalita. Nagsisimula na kasing manikip ang puso ko, nagsisimula ng umatake ang asthma ko. "Diba, hindi naman ako 'yong pumatay kay Martin?" Tanong ko habang ang kanang kamay ay nasa puso ko. Tinanong ko ito habang nakangiti. Nakangiti habang namimilipit sa sakit ng puso. Nakangiti habang naninikip ang puso. "Diba...diba hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit namatay si M-Martin?" Tanong ko habang hinahabol na ang hininga ko. Tanong ko habang tumataas-baba ang dibdib ko.
"Baby, kalma," Pagpapakalma n'ya. Kahit kalmado lang ang boses n'ya, ramdam ko naman sa bawat haplos at bawat titig n'ya na nag-aalala s'ya para sa akin. "Gusto mo ba ng tubig? Gusto mo kuhaan kita?" Tanong nya pa. Hindi ko naman s'ya sinagot. Mas lalo kasing naninikip ang dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang bawat pagtibok nito, at sa bawat pag tibok nito may kasama itong kirot at sakit. Parang gusto ng lumabas ng puso ko sa katawan ko, at parang may nakabara na kung ano dito. "S-Saglit, kukuhaan lang kita. Hintayin mo lang ako dito..." Pagsasalita n'ya at nakaamba na sanang tumalikod ng mahawakan ko ang braso n'ya.
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
Storie d'amoreSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...