CHAPTER 4

1.4K 81 43
                                    

"Oh! My beautiful princess you're here!" Malakas na sigaw ni Papa nang makita n'ya akong papasok sa loob ng bahay namin.

Ngitian ko naman si Papa at agad na sinalubong ng yakap.

"I missed you so much, Papa." Wika ko habang ang aking ulo ay nasa leeg ni Papa.

Namissed kong yakapin si Papa almost a year na rin kasi ang huli kong yakap sa kan'ya.

"Na missed rin kita anak!" Si Papa at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Pero tama lang ito at hindi naman ito masyadong mahigpit.

"Daddy ako? Wala ba?" Rinig kong pagdradrama ni Tita Pinty kay Papa.

Ako na mismo ang umalis sa pagyayakapan namin ni Papa at nilingon si Tita Pinty na ngayon ay may buhat-buhat na maleta.

Daddy at Mommy ang tawag n'ya kina Mama at Papa, okay lang naman ito sa mga magulang ko. Parang anak na rin kasi ang turing nila kay Tita Pinty at kapag nasa Manila ako alagang-alaga naman ako ni Tita.

"Oh Pinocchio?! Ikaw ba 'yan?!" Si Papa sabay ayos ng salamin n'ya sa mata. Medyo may katandaan na rin kasi si Papa at medyo malabo na rin ang mga mata.

Napakagat labi naman ako. Pinipigilan ang sarili na tumawa nang tawagin din ni Papa si Tita Pinty gamit ang totoo nitong pangalan.

"Mario, hindi daw Pinocchio ang pangalan n'ya PINTY na raw." Satsat ni Mama sabay takip ng bibig, katulad ko pinipigilan din nito ang sarili na tumawa.

"Daddy naman, eh! Hindi na ako si Pinocchio, okay? I'm Pinty!" Tumatawang sabi ni Tita Pinty sabay crossed arm.

"O sya! Halika dito!" Si Papa sabay open ulit ng braso n'ya. Agad namang tumakbo si Tita Pinty kay Papa at yinakap si Papa. Kita sa kan'yang kilos na masaya s'ya.

Nakaramdam naman ako ng kirot. Hindi ako nagseselos kay Tita pinty, naaawa ako sa kan'ya. Hiwalay na ang mga magulang n'ya at may kaniya-kaniya na ring pamilya, habang ang Lola naman n'ya na nagpalaki sa kan'ya ay matagal nang patay.

Palagi sinasabi sa akin ni Tita na ang swerte ko raw at nararanasan ko daw ang pagmamahal ng isang magulang sa kan'yang anak, dahil hindi daw kasi n'ya 'yon naranasan. 'Yon ang dahilan kung bakit ang tawag ni Tita kina Mama at Papa ay Daddy at Mommy, kina Mama at Papa lang daw kasi n'ya naramdaman ang pagmamahal ng isang magulang.

"Daddy, ang tanda n'yo na. Tingan mo ang mga braso mo, sobrang lambot na, puro taba at sobrang laylay na rin." Puna ni Tita sabay pisil sa braso ni Papa.

"Ay naku, anak tama ka! Matanda na yang si Mario." Si Mama sabay tabi sa akin. Nginitian ko naman siya at sinandig ang ulo ko sa balikat n'ya. "Oh?! Mario, narinig mo ba 'yon?! Matanda ka na."

"Sydney? Gano'n na ba ako katanda?" Tanong sa akin ni Papa at pinisil na din nito ang braso n'ya.

Tama si Tita Pinty, laylay na ang balat ni Papa sa braso, at kita na rin sa kan'yang buhok na matanda na nga s'ya.

"Magpatina ka na lang kay Mama, Pa."
Hindi ko sinagot ang tanong ni Papa sa akin dahil ayaw ko s'yang mahurt.

"Tina?! Naku! Matanda na talaga 'yang Papa mo. Kahit anong tina, puputi at puputi pa rin ang buhok n'yan." Sabi ni Mama sabay yakap sa akin.

Tumawa naman ako ng tipid. Tama si Mama, dahil no'ng umuwi ako dito last year, tininaan ko si Papa tapos after how many months, nakita ko na lang na puti na ulit ang buhok ni Papa.

"Kaya dapat magka apo na ako!" Si papa sabay lingon kay Tita Pinty.

Napaawang naman ang bibig ko at kasabay nito ang pagbilog ng mga mata ko. Napalingon naman ako kay Tita na ngayon ay ganoon rin ang reaksyon.

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon