CHAPTER 31

854 29 0
                                    

This chapter is dedicated to: Alexandra_Aleyah

I'm now browsing my social media account. Nakikibalita sa nangyari kay Martin. Habang ginagawa ko ito, hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng kaba. Kinakabahan ako at natatakot. Kinakabahan na natatakot sa puwede kong malaman.

Martin San Diego, natagpuang patay sa kan'yang condominium!

Habang nagbro-brows, may nakita akong article tungkol sa hinahanap ko. Kahit nag-aalangan, pinindot ko pa rin ang article na nasa news feed ko. Pero imbes na article ang mapindot ko, comment section ang napindot ng daliri ko.

Anong nangyari?

Nag post pa nga sya kahapon tapos ngayon patay na??

Condolence

Halaaa

Fake news?

May his soul rest in evil

Buhay talaga ng tao hindi natin masasabi kung kelan tayo mamamatay.

Huy! Pachismis naman, wala akong load. Pwedeng malaman kung anong nangyari?

Napahinto ako sa pagbabasa ng comment section nang may pumukaw sa atensyon ko.

Hindi ko alam kung anong nangyari kay Martin, walang sinasabi sa akin si Tita, basta ang alam ko lang ay patay na daw s'ya, pero hindi ako naniniwala dito. Baka fake news lamwng ito. Nagkita pa kami kahapon, pumunta pa s'ya dito kahapon, kinantahan n'ya pa ako. Tapos ngayon, malalaman ko na patay na s'ya?

Ang sabi sa article, nag pakamatay raw si Martin. Nag bigti. Ewan ko ba, hindi ko alam kung totoo. Basta yun yung laman ng article.

Napakunot naman ako ng noo. Nagbigti? Hindi ako naniniwala. Bakit naman s'ya magpapakamatay? At saan naman nila 'yon nakuha? Wala namang binabalita na nagpakamatay talaga si Martin. Wala ngang binabalita na talaga ngang patay na s'ya.

Grabe naman ang chismis, mas nauuna pa sa balita.

Napaangat naman ako ng ulo nang may marinig akong mga yapak ng mga paa na papunta sa direksyon ko.

"Sydney, tara, labas tayo..." Si Ericka sabay tabi sa akin.

Akala ko si Aeiou, si Ericka lang pala.

"Ano naman ang gagawin natin sa labas?" Kunot-noong tanong ko sa kan'ya.

Ano naman ang gagawin namin sa labas?

"Ay este sa sala pala." Tumawa s'ya bg peke sabay kamot ng kan'yang ulo. "Sa sala muna tayo, andoon ang dalawa. Tara, doon muna tayo."

Tumango lamang naman ako bilang sagot at ngumiti. Agad akong tumayo sa pagkakaupo at binulsa ang cellphone. Habang naglakakad kami, palaging sumasagi sa isipan ko ang nabasa kong comment.

Nagbigti si Martin.

No! Hindi 'yon totoo! Malakas ang kutob ko na fake news lang 'yon. I shook my head to throw away all the negativity inside my head. Hindi ako naniniwala. Alam kong hindi ito gagawin ni Martin. He promised na magmomove pa s-ya, nangako s'ya sa akin at kailangan n'ya 'yong tuparin. He need to be alive para mafulfill n'ya ang promised n'ya sa akin. He committed a promise at kailangan n'ya 'yong tuparin.

"Sydney...."

Napabalik lamang ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang kamay ni Aeiou na nakahawak sa kamay ko. Napalingon naman ako sa mukha ng boyfriend ko, kita sa kan'yang mga mata na nag-aalala s'ya sa akin pero ngumingiti pa rin s'ya. Nararamdaman ko rin ang kan'yang mga daliri na marahang hinahaplos ang kamay ko. Nginitian ko lamang s'ya at inalis ang mga mata sa kan'ya.

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon