CHAPTER 6

1.3K 72 47
                                    

"Alam mo, nagseselos na talaga ako sa'yo! Lahat ng crush ko crush ka, bakit ba kasi sobrang ganda mo?! Una si MJ ngayon naman si Xzavier!" May pagtatampong sigaw ni Tita Pinty sabay higa sa kama ko.

Napailing na lang ako. Ito lang ba ang sasabihin n'ya sa akin? Pumunta lang s'ya dito para sigawan ako?

"'Yan lang ang sasabihin mo sa akin?" Tanong ko sa kan'ya habang nakapoker face.

"Anong 'yong lang?! Ang swerte mong babaita ka. Una may pamilya ka, may Mama at Papa ka, habang ako mayroon nga akong Mama at Papa pero parang hindi ko naman ramdam 'yong pagmamahal nila sa akin —"

Tinakpan ko na ang bibig n'ya dahil ang dami-dami n'yang sinasabi. Nagpupumiglas naman ito sa pagkakatakip ko sa bibig n'ya.

"Alam mo ang drama mo, anong walang Mama at Papa?! Haler anong tawag mo kina Mama at Papa? At tyaka oo hindi ka nila tunay na anak —"

"Alam ko na ang sasabihin mo Sydney, 'oo hindi ka nila tunay na anak, pero ang turing naman nila sa'yo ay parang anak na rin'." Putol n'ya sa sasabihin ko. Natawa naman ako dito at napailing.

"Eh?! Pa'no mo hindi mamememorize kung palagi mo na lang akong sinasabihan na alam mo 'Sydney ang swerte mo, may magulang ka habang ako...." Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko, inirapan ko na lang s'ya. Ang drama n'ya talaga. Pwede na syang mag-artista.

"Pero Sydney maiba ako, bakit ba kasi ang ganda mo?!" Singhal na tanong ni Tita sabay titig sa mukha ko.

Magkatabi na kami ngayon sa kama at nakaharap s'ya sa akin habang ako nakatihaya ng higa.

"Since birth maganda na ako, 'no," Sagot ko habang nakangisi sa kan'ya. "Huwag mo kong titigan ng gan'yan sige ka mahulog ka sa akin, hindi kita sasaluhin, remember may boyfriend ako." I joked and laughed.

Lumayo naman agad si Tita Pinty sa akin at parang nandidiri ang mukha nito ngayon.

"Yuck, Sydney! Kadiri ka!" Sigaw n'ya sa akin.

Natawa na lang naman ako dito. Ang arte n'ya.

"Maganda? Ikaw?" Turo nito sa akin habang tumatawa ng sarkastiko. "Eh no'ng hindi ka pa nga artista, hindi pantay ang kulay ng balat mo, maputi lang 'yong legs at batok mo, pero 'yong iba....'wag ko na lang sasabihin nakakahiya, sobrang libag." Humagalpak nang tawa si Tita Pinty.

"Eh, sa hindi pa ako marunong mag-ayos sa sarili ko no'n. Luro pag-aaral lang ang inaatupag ko —"

"Pagzaaral daw, pero muntik ng mabagsak sa calculus." Malakas nitong tawa na para bang iniinis ako.

Tsk. Past is past never discuss.

"Eh, sa mahirap yung calculus namin!" Sigaw ko sa kan'ya habang nakataas ang kilay. Pagkatapos kong sumigaw, ang sumunod kong ginawa ay inirapan ko s'ya at hindi kalaunan ay itinuon ko na lang sa kisame ang mga mata ko.

"Pero maiba ako, bakit  lahat na lang ng crush ko crush ka? Don't get me wrong ha? Hindi naman ako galit or whatever nagtatanong lang ako."

Napalingon naman ako sa puwesto n'ya ng may nakakunot na noo. Nakatitig lang ito sa akin at parang naghihintay ng sagot mula sa tanong n'ya.

"Bakit? Kilala ko ba ang lahat ng crush mo?! Diba hindi?" Sagot ko sa kan'ya gamit ang mataray kong boses.

"Anong hindi?!" Pasigaw na tanong n ya sabay lapit sa pwesto ko. Nakaharap na s'ya sa akin ngayon.

"Si MJ, si Xzavier! Hindi mo sila kilala?!"

Napaurong naman ako dahil tumalsik ang laway n'ya sa mukha ko.

"Pwede ba dahan-dahan naman?! 'Yong laway mo tumatalsik na sa mukha ko!" Sigaw ko ulit sa kan'ya sabay punas ng mukha ko.

Nakakainis, ang lakas n'yang sumigaw, 'yan tuloy tumalsik na ang laway n'ya sa akin, buti nga hindi 'yong pustiso nya ang lumipad,  kasi kung nagkataon, naku, hinding-hindi ko na s'ya papansinin, nakakadiri kaya.

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon