It's been a week since iniiwasan ko si Aeiou. Mabuti na rin 'yon kesa naman mag-away na naman kami ni Martin, sila ni Martin. Kapag nasa construction site naman kami ako na mismo ang umiiwas, ako na mismo ang lumalayo sa kan'ya. Mas mabuti na rin kung lalayuan ko s'ya, kesa sa lalapitan. May naririnig na rin kasi akong hindi magagandang salita mula sa mga katrabaho ko.
Minsan pumupunta si Aeiou sa bahay namin at wini-welcome naman s'ya nina Mama at Papa, habang ako nasa taas lang at kausap si Tita Pinty.
Nakahiga lang ako ngayon sa kama at nakatitig sa kisame, break kasi namin ngayon at next week pa raw ang next shooting namin. Hindi ko na sinabi kina Mama at Papa ang tungkol sa suntukan na naganap. Para saan pa diba? Ayaw ko nang pahabain ang gulo, okay na kami ngayon ni Martin.
Napatagilid naman ako ng higa katapat ng electric fan. Mayroon naman akong aircon dito sa kwarto, pero mas pinipili ko pa ring gamitin ang electric fan kesa sa aircon. Siguro mas nasanay ako sa electric fan kesa sa aircon.
My eyes are now sleepy. Ang simoy ng hangin na dala ng electric fan at simoy ng hangin na galing sa labas ng bahay ay naghehele sa akin para antukin. Nagsisimula na ring lumipad ang kurtina na tumatakip sa bukas kong bintana.
Sisimulan ko na sanang ipikit ang mga mata ko, nang tumunog ang cellphone ko na nasa tabi ko lang din naman. Agad ko naman itong dinampot.
"Hello?" Bati ko sa kabilang linya sabay hikab. Inaantok na talaga ako, ang presko kasi ng hangin tapos peaceful pa.
"S-Sydney..." Basag na boses ni Delaney sa kabilang linya.
Huh? Problema n'ya?
Dahil sa tono ng boses ni Delaney, ang kaninang antok na nararamdaman ko ay nawala, at kasabay ng pagkawala ng antok ko ang paglisan ng hangin na galing sa labas ng kurtina ko.
"Bakit ganyan ang boses mo? May problema ba?" Kinakabahan kong tanong sa kan'ya.
"A-Are you okay?"
Napangiwi naman ako at napataas ng kilay. Why is she asking that kind of question?
"Bakit? Dapat ba akong maging malungkot?" Tanong ko sa kabilang linya.
"H-Hindi mo pa ba nakikita 'yong video na kumakalat sa social media?" Tanong n'ya sa akin.
Video? Anong klaseng video? This past few weeks kasi I'm not into social media na talaga. Madalang na lang akong magbukas ng mga accounts ko, wala namang bago, eh. Gano'n pa rin at tyaka nag fofocus ako ngayon sa drama ko, ayaw kong i-stress ang sarili ko.
"Anong video? Mahalaga ba 'yan? If not, I'm not interested." Straightforward kong sagot sa kan'ya.
Hindi talaga ako mahilig sa social media, hindi tulad ni Valkyrie na sobrang hilig magpost ng mga picture at video. Siguro nga bawat galaw n'ya pinopost n'ya.
"Sabi ko na ba, eh, dapat si Valkyrie na lang ang nagsabi." Mahinang bulong ni Delaney.
Kaagad naman akong naguluhan dahil sa narinig.
Anong video ba ang sinasabi n'ya? Mahalaga ba? May connect ba sa akin?
"Diretchohin mo na lang kaya ako. Hindi kita nagegets." Usal ko sabay higa sa kama. Hindi ko pinapahalata kay Delaney na kinakabahan ma ako.
"Ayyy, ayaw ko! Buksan mo na lang ang mga social media account mo!" Utos n'ya sa akin at halatang kinakabahan.
"Ano ba kasing meron?! Anong account? Sa facebook, sa instagram sa —"
"Kahit saan! Basta trend s'ya ngayon. Basta ikaw na ang bahala bye!" Sabay nito ang pagpatay n'ya nang tawag.
Problema no'n? Hindi ko s'ya maintindihan.
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
RomanceSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...