CHAPTER 15

1K 57 32
                                    

"Ikaw ba itong bata sa picture?!" Tanong ko ulit at medyo kinakabahan na.

Ang huli naming kita ay no'ng bata pa ako, at bata pa rin s'ya noon, pero ngayon....pinasadahan ko si Aeiou ng tingin mula ulo hanggang paa. Ibang-iba na s'ya sa litratong ito. Pinabalik-balik ko ang titig ko sa litrato at sa kan'ya, kinukompara kung s'ya ba talaga ito. Pero parang hindi, eh! Straight ang buhok ng bata dito at parang bunot ang style ng buhok n'ya, habang 'yong buhok naman n'ya ay kulot. Pero ang sabi naman n'ya, pinakulot lamang n'ya ang buhok n'ya kaya naging kulot at hindi ba bumalik sa dati nitong anyo.

"Sydney...huwag mo naman ako titigan ng ganyan..." Nahihiyang wika ni Aeiou habang kinakamot ang ulo n'ya.

"Sagutin mo na lang kasi 'yong tanong ko! Ikaw ba itong bata na nasa picture?" Tanong ko ulit sabay pakita ng photo frame sa kan'ya.

Nahihiya namang  tumango si Aeiou sa akin bilang sagot.

O My Gosh! Is this real?!

Dahil sa simpleng sagot na 'yon ni Aeiou ramdam na ramdam ko na ang pangangatog bg dalawa kong tuhod, habang ang dalawa kong kamay ay nagsisimula nang mamawis ng malamig, at ang puso ko ay nagsisimula nang kabahan at tumibok ng kakaiba.

Bakit hindi n'ya sinabi sa akin na s'ya pala ito?! Bakit n'ya tinago sa akin?! Pero, puwede rin naman na hindi na n'ya ako naaalala kaya hindi nxya sinabi sa akin. I'm just five years old that time and he's seven years old, we're both kids at hindi pa gano'n katanda ang mga utak namin para makaalala ng mga bagay-bagay.

"Alam mo ba...alam mo bang ako itong babae sa picture?" Tanong ko sabay lingon sa picture. Gusto kong makasigurado kung talaga bang hindi n'ya ako naaalala, kasi kung kilala n'ya ako at natatandaan, sasabihin n'ya agad ito sa akin. Sasabihin n'ya agad na kilala n'ya ako at magkaibigan kami no'ng mga bata pa lang kaming dalawa.

Hindi naman sumagot si Aeiou, and I think silent means yes. Mukhang hindi na nga n'ya ako naalala at natatandaan. Okay lang naman sa akin kung hindi na n'ya ako naaalala kasi sobrang tagal na no'n, at ang babata pa namin. Pero ang pinagtataka ko lamang ay bakit hindi man lang s'ya nagreact no'ng sinabi kong ako ang batang nasa tabi n'ya? Nanatiling kasing nakatungo ang ulo n'ya at halatang nahihiya. Mostly kasi sa mga tao, kapag nameet ulit nila ang mga kababata nila ay magugulat sila at magre-react. Pero s'ya, kahit ngiti o gulat man lang ay hindi n'ya ginawa.

"N-Nagkaamnesia ka ba?" Nag-aalangan kong tanong. Baka kasi naaksidente s'ya at naalog ang utak n'ya at may mga ala-ala at mga taong galing sa past n'ya na hindi na n'ya maalala.

At isa ako doon.

"H-Hindi. Hindi ako nagka-amnesia." Sagot ni Aeiou sabay angat ng ulo. Kaagad ko namang nasilayan ang malapad n'yang ngiti. Dahil dito, mas lalog bumilis ang tibok ng puso ko. Nawala na ang kaba at napalitan ng bagong pakiramdam.

"H-Hindi kita nakalimutan o nawala sa isipan ko." Dagdag pa ni Aeiou na mas lalong nagpakanog sa puso ko at may halo itong pitik. Hindi ko alam pero parang pumipitik ang puso ko.

Gusto kong magsalita pero parang may nakabara sa lalamunan ko at parang nablablanko na rin ako. Hindi ko alam kung papano ako magrereact sa sinabi n'ya ni hindi ko nga din alam kung anong gagawin ko. Nanatili lamang akong nakatayo sa harapan n'ya habang ang puso ko ay parang tinatambol.

"B-Bakit...bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hindi mo sinabi na kilala mo pala ako? Na magkaibigan tayo? Na ikaw pala ito?" Nahihirapan kong tanong sa kan'ya. Pinilit ko talaga ang sarili ko na magsalita para naman hindi ako magmukhang timang na hindi nagsasalita.

"Kasi ang gusto ko...ikaw mismo ang makalala sa akin." Simple n'yang sagot habang naglakakad papalapit sa akin.

Ngayong magkaharap na kami para na akong mahihimatay dahil sa nararamdaman ko. Hawak ko pa din ang photo frame n'ya.

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon