CHAPTER 23

926 40 8
                                    

"Uh...Aeiou, babye!" Nakangiti kong pagpalaalam kay Aeiou kahit na nasa harapan ko pa din naman s'ya.

Andito na kasi kami ngayon sa mismong gitna ng mga bahay namin habang ako ay nakatayo papaharap sa kan'ya at s'ya naman ay nakayoo sa motor n'ya. Inaalis n'ya ang pagkakasuot ko ng helmet.

Hindi ko inaakala na road trip pala ang gagawin namin ngayon. Akala ko kasi date na naman sa mall, 'yon kasi ang sabi n'ya kanina, pero nagulat na lang ako nang sabihin n'ya na magroroad-trip daw kami. Ilang oras lamang kaming nagroad trip pero nag-enjoy ako ng sobra lalo na at kami lamang dalawa ang magkasama. Walang asungot at walang paepal. Sayang nga lang at kailangan na naming umuwi dahil gabi na. Ayaw ko pa sanang umuwi pero baka pagalitan na ako nina Mama at Papa. Ayaw ko naman 'yon mangyari.

"Sige, until next time." Nakangiti ring saad ni Aeiou habang ang helmet na kanina ay nasa ulo ko ay nasa pagitan na ng kilikili at bewang n'ya.

Next time? So may next time pa pala? Nakaka-excite naman.

Tumango lamang naman ako habang ang ngiti ay hindi pa din napapawi. Tatalikod na sana ako upang makauwi na sa bahay nang magsalita si Aeiou na nagpahinto sa akin. Napangiti naman ako.

"Uh...nag enjoy ka ba?"

"Huh?" Tanong ko sabay lingon sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit iyon ang salitang lumabas sa bibig ko kahit na narinig ko naman ang tinanong n'ya sa akin. "Uh yes, super. Hindi ko nga alam na marunong ka pa lang magdrive ng motor." Tumawa ako, tinatago ang kaba sa puso.

Kanina, nag-aalalangan pa akong magback ride sa kan'ya. Iniisip ko kasi na baka madisgrasya kami, mabagok ang ulo namin, or di kaya mamatay kami, pero hindi naman pala. Wala namang nangyaring gano'n sa amin. Maingat ang pagpapatakbo n'ya ng motor.

"Marunong kaya ako, at tiyaka may license ako, 'no," Nakangiti pa din s'ya, ewan ko kung bakit pero kinakabahan ako. Tumango na lang naman ako ulit bilang sagot dahil hindi ko na alam kung ano ang susunod kong sasabihin.

Gusto kong mag-usap pa kami ng matagal. Gusto ko pa s'yang makasama ng matagal, at higit sa lahat gusto ko pang makita ng matagal ang mukha n'ya, pero wala na akong naiisip na maita-topic namin para humaba pa ang usapan naming dalawa. Mukhang ang lahat ng mga naisip at pinaghandaan kong topic ay nabuksan ko na kanina.

"Ah, sige pasok na ako. Gabi na rin kasi," Tinuro ko ang gate namin na ngayon ay serado.

Wala na. Tapos na ang usapan. Wala na talaga akong maisip na puwede naming maging topic. Tuyong-tuyo na talaga ang utak ko kaya mas mabuti pa na magpaalam na ako kesa sa maging awkward ang atmosphere namin.

Tumango lamang naman si Aeiou, at alam ko na kahit hindi n'ya sabihin, tulad ko gusto n'ya pa din na humaba pa ang usapan naming dalawa. Gusto n'ya pa akong mag-stay. Sounds assuming, pero 'yon ang nararamdaman ko.

Tumalikod na ako kay Aeiou at nagsimula nang maglakad pero wala pa man ako sa kalahati ng paglalakad nang bumukas na ang gate namin at iniluwa nito sina Mama at Papa. Kaagad naman akong nakaramdam ng kaba. Bakit feeling ko may masamang mangyayari?

Nakakainis naman itong kutob ko. Kung kailan hindi kailangan, tiyaka magpaparamdam pero kung kailan kailangan, tiyaka naman hindi magpaparamdam.

"Sydney, anong oras na?!" May diin na tanong ni Papa.

Napalunok naman ako ng laway. Galit ba s'ya sa akin? Pero nagpaalam naman kami kanina ni Aeiou bago umalis ng bahay.

Hinugot ko naman ang cellphone ko na nasa loob ng pantalon ko. Agad ko itong binuksan at tiningan ang oras.

"Eight-fourty-three pm." Natatakot at kinakabahan kong sagot kay Papa.  Hindi ko inaakala na gabing-gabi na pala, hindi ko alam na ilang oras na pala kaming magkasama ni Aeiou, at higit sa lahat hindi ko namalayan na sa bawat tawa at kilos pala namin, may katumbas pala ito na oras.

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon