"Xzavier, may good news ako!" Malakas na sigaw ng pinsan kong si Daniel.
"What?" I asked without looking at him. I'm so busy right now. I'm currently rechecking our papers in our constitution site. Baka kasi may kulang pa or may nawawala. "Siguraduhin mo lang talaga na good news 'yan Daniel." I said without looking at him.
"Mamaya na 'yan. Makinig ka muna sa akin." Pagsasalita n'ya ulit sabay agaw sa kamay ko ng mga papel na hawak-hawak ko.
"Daniel, ano ba?!" Galit kong tanong kay Daniel sabay tayo sa pagkakaupo. "Can't you see?! I'm rechecking—"
"It's about Sydney." Tatlong salita na naging dahilan para matigilan ako sa aking pagsasalita at matigilan ako sa akma kong pagtayo.
"What's about her? Nasa Manila s'ya diba?" Tawa ko ang mapakla.
Matagal ko nang sinusubaybayan si Sydney. Sydney is my childhood bestfriend and secret crush. Matagal na akong may gusto sa kan'ya, pero hindi naman ako ang gusto n'ya. He have a boyfriend. Almost a year na rin sila.
Napangiti naman ako ng mapait nang biglang pumasok sa utak ko na mayroon na pala s'yang boyfriend. Hindi ko rin naman s'ya masisi. Bata pa kami no'n. She's just five and I'm just seven years old back then. Siguro nakalimutan na n'ya ang mga pangako namin para sa isa't isa.
"Babalik na s'ya. Makakatrabaho ko ulit s'ya."
"Kinakabahan ako, Daniel." Hindi mapakaling usal ko. Pabalik-balik ako kung lumakad dito sa may swimming pool ng LM Metro Hotel. Ngayon kasi ang birthday ni Sydney.
"Bakit ka naman kinakabahan?" Natatawang tanong na Daniel. "Diba ito naman ang plano mo?" Tanong n'ya ulit.
"Yeah, this is my plan...but...I can't control myself to feel and act like this." Pagsasalita ko ulit sabay upo sa kaninang kinatatayuan. Agad kong inihilamos ang sarili kong mga palad sa mukha ko.
Kinakabahan ako na natatakot. Kinakabahan ako dahil baka galit na si Sydney sa akin. Ako ang gumawa at nagplano nitong party na ito tapos ako pa 'yong wala, ako pa 'yijg hindi magpapakita. At natatakot ako sa magiging reaksyon ni Sydney kapag makita na n'ya ako.
What if sampalin n'ya ako?
"Dude..." Daniel said while patting my shoulder. "Everything will be fine. Kakontyaba mo naman ang lahat ng kaibigan ng girlfriend mo, mga magulang mo, kapatid mo, pati nga 'yong mga magulang ni Sydney kakontyaba mo rin. I mean kinontyaba mo pala."
Hindi naman ako umimik. Nanatili lamang ako sa ganitong puwesto habang ang utak at nag-iisip pa rin.
Kanina pa ako andito sa labas ng LM, si Daniel lang ang tangi kong kasama dito. Sinadya ko talaga na huwag magpakita kay Sydney, sinadya ko na huwag magpakita sa araw ng birthday n'ya dahil may isa pa akong plano. May isa pa akong balak na gawin at sana magtagumpay ako.
"You know, dude, hindi ko talaga inaakala na magiging kayo ng childhood bestfriend mo. I mean ang tagal n'yong hindi nagkita, and just because of your ID, nagkita ulit kayo. Well kahit hindi mo naman hinulog ang ID mo, alam ko naman na maglalandas ulit ang mga buhay n'yo. Kasi nga magkakasama naman kayo without the help of your ID and it's all because of me. Nang dahil lang naman sa akin, dahil lang naman sa drama na gagawin dapat namin...naging close ulit kayo ni Sydney and take note kayo na ngayon. Nagawa mo 'yong mga plinaplano mong gawin nang dahil na naman sa akin. Ang dami ko talagang naitulong sa'yo." Mahangin n'yang pagsasalita.
"Anong marami ka d'yan?!" Tanong ko at bahagyang inaangat ang ulo. "Ako ang gumawa ng lahat, wala kang naitulong—"
"Baka nakakalimutan mo nang dahil sa akin naging magkapitbahay kayo ni Sydney." Ngisi n'ya habang ang mga mata ay nakangisi rin. "I mean naging magkapitbahay ulit kayo. Mabuti na nga lang at maaga kong nalaman na binibenta na pala ang nasa tapat nilang bahay, which is dati n'yong bahay. Kasi kung hindi." His voice suddenly change. Kung kanina ay nakangisi s'ya at halatang masaya, ngayon ay nagsisimula nang maging malungkot ang kan'yang mga mata at boses. "Hindi kayo magiging magkapitbahay ni Sydney. Tapos kung hindi kayo naging magkapitbahay, wala." He shrugged. "Hindi magiging kayo."
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
RomanceSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...