CHAPTER 3

1.5K 90 36
                                    

"Ladies and gentlemen, YZ Airlines welcomes you to the City of Flowers—Zamboanga City. Our local time is ten-twenty-five am. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seatbelt and keep the aisles clean until we are parked to the gate. Thank you."

"O my gosh! Sydney ano? Okay lang ba ang mukha ko?" Nagmamadaling tanong sa akin ni Tita Pinty habang may hawak na salamin, magkatabi kasi kami sa upuan.

"Sa tingin n'yo, Tita? Diba may hawak na kayong salamin? Tapos tatanungin n'yo pa talaga ako?" Sarkastiko kong tanong sa kan'ya sabay sandig sa upuan ko.

Nararamdaman ko na ang paglalanding ng eroplano at exited na ako. Excited na akong makita ang mga magulang ko. Mahigit isang taon na rin kasi ang huli kong uwi dito. Sa tingin ko ang last kong uwi ay no'ng kasal pa nina Camari at Sergie.

Kaming dalawa lamang ni Tita Pinty ang bumabyahe ngayon, dahil nasa Zamboanga na ang lahat ng staff at mga cast. Kaming dalawa na lamang ni Tita Pinty ang hinihintay. Tita Pinty ang tawag ko sa kan'ya dahil 'yon ang gusto n'yang ipatawag sa kan'ya nang lahat ng kaniyang mga inaalagaan.

"Ewan ko sa'yo Sydney," Umirap si Tita gamit ang kan'yang salamin. "Palagi mo na lang ako binabara, hindi naman ako indoro para barahin mo nang ganito." .

Tinapunan ko naman nang konting atensyon si Tita Pinty, pero saglit lamang ito dahil agad ko ring ibinalik ang buo kong atesnyon sa harap.

Mukha ka kasing indoro kaya kita binabara.

Close kami ni Tita Pinty. as in super close. Si Tita Pinty na kasi ang tumatayong pangalawang magulang ko kapag nasa Manila ako at may taping, kaya gan'on na lang ako kakampante sa kan'ya. Mabait din naman s'ya, hindi tulad ng manager ni Martin.

Teka?! Bumilog naman ang mga mata ko nang may biglang maalala. Hindi pa pala ako nakapagpaalam kay Martin na nasa Zamboanga ako ngayon!

Shit.

Nag-usap pa naman kami kahapon na ngayon kami mag-uusap para maayos ang gusot sa pagitan namin.

"Hoy? Anong nangyayari sa'yo? May nakalimutan ka ba?" Tanong ni Tita sa akin sabay baba ng hawak n'yang salamin.

"Oo may nakalimutan ako." Aniya ko sa kaniya at hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko.

Bakit ko pa kasi nakalimutan kong magpaalam kay Martin?

"Hay naku Sydney! Kanina tinanong kita kung may nakalimutan ka, ang sagot mo naman ay wala, tapos ngayon....ay ewan ko sa'yong bata ka! Bata ka pa lang makakalimutin ka na! Ano ba kasi 'yong nakalimutan mo?!"

Hinarap ko naman si Tita habang ang mga kamay ko ay pinagpapawisan na. Sure akong magagalit na naman sa akin si Martin nito. Ayaw na ayaw kasi n'ya nang hindi ako nagpapaalam sa kan'ya.

"Pahiram ng phone. May tatawagan lang ako." Aniya ko kay Tita. Wala kasing load ang cellphone ko. Nakalimutan kong loadan.

Kinunutan naman ako ni Tita ng noo. "Sino ba ang tatawagan mo?"

"Si Martin....nakalimutan ko kasing magpaalam sa kan'ya." Saad ko habang pinapahid ang namamasa kong mga kamay sa suot kong pantalon.

Napasinghap naman si Tita Pinty at hindi kalaunan ay natawa na.

"Naku! Ewan ko sa'yo, akala ko talaga ano na ang nakalimutan mo." Umiling-iling si Tita. "Hindi ka nagpaalam 'no?!" Usal n'ya sabay lapit ng mukha n'ya sa akin.

Tinampal ko naman nang mahina ang mukha n'ya  para ilayo n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko. Mabuti na lang at nagets n'ya ito.

"Diba magkasama kayo kahapon? Bakit hindi mo sinabi sa kan'ya? Hindi mo man lang tinawagan?"

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon