"Sydney..." Rinig kong pukaw sa akin pero hindi ko ito pinakinggan, tumagilid lamang ako ng higa.
"Sydney." Pukaw ulit sa akin.
Sino ba ito?! Bwisit naman, oh! Kitang natutulog ang tao tapos pupukawin tayo?!
Hindi ko ulit pinakinggan ang pagtawag na 'yon sa akin at nagtakip na lamang ako ng kumot para hindi ako masilaw sa ilaw. Nakabukas kasi ang ilaw at alam kong may bumukas nito kasi kapag ako ay natutulog sinisigurado kong nakapatay ito.
"Sydney, ano ba?!"
Napakamot naman ako ng ulo nang marinig ko ulit ang boses n'ya pero sa pagkakatong ito medyo mataas na kaya dahan-dahan ko nang binuksan ang mga mata ko.
"Tita?!" Medyo paos kong tawag. Parang si Tita Pinty kasi ang pumupukaw sa akin.
"Oo ako nga! Gumising ka na d'yan at habang maaga pa." Utos nito sa mahinahong boses sabay hila sa akin papatayo. Nagmatigas naman ako at hindi nagpahila sa kan'ya. Inaantok pa ako. Anong oras na ako natulog kagabi. Iyak lang kasi ako nang iyak.
"Nakung bata ka! Sydney! Huwag matigas ang ulo!" Tumaas ulit ang boses ni Tita at pinagpapalo na nito ang puwet ko para lamang magising.
"Tita naman?! Ang aga-aga pa! Hindi pa nga siguro tumitilaok ang manok!" Pagalit kong singhal sabay takip ng unan sa puwet ko.
"Naku, Sydney! Oo alam kong maaga pa! Pero 'yong media paparating na dito!"
Hindi pa man natatapos ni Tita ang sinabi n'ya kanina kumakabog na ang puso ko at no'ng narinig ko na ito nang buo kaagad nang nawala ang antok ko. Para akong nabuhay ang katawan ko sa sinabi n'ya.
Media?! Andito na agad sila?! Agad-agad?!
Dali-dali akong bumaba sa kama at papatakbong pinunta ang bintana para silipin kung may media na ba sa baba. Dahan-dahan kong binuklat ang kurtinang tumatakip sa bintana at dahan-dahan na sinilip ang ulo ko, baka kasi makita ako ng media na nasa taas at mas lalong lalakas ang loob nilang kunan ako ng panayam. Pagsilip ko ay nawala agad ang kaba na nararamdaman ko nang wala akong makitang media sa baba, walang service na naghihintay, at higit sa lahat walang camera tumututok sa bahay namin. Tahimik sa labas ng bahay namin, serado pa ang lahat ng mga pintuan ng kapitbahay namin at serado pa ang lahat ng ilaw nila, puwera na lang sa bahay ni Aeiou na bukas na ang ilaw at medyo bukas na rin ang pintuan, siguro papasok na s'ya sa trabaho n'ya. Napaangat ako ng ulo. Naghahalong dilaw at asul ang kalangitan at ang mga ibon ay nagsisimula nang lumipad sa kung saan-saan. Sa tingin ko ay alas kuwatro pa lang ng madaling araw o 'di kaya ay alas tres. At kahit wala ako sa labas, nararamdaman ko naman ang malamig na simoy ng hangin at sobrang presko nito sa pakiramdam.
Napabuntong hininga ako at naglakad pabalik sa kama at naupo sa tabi ni Tita Pinty.
"Tumawag si Valkyrie kanina at sinabi n'yang nasa !irport na ang iilan sa mga media."
"Ha?! Agad-agad?! Bakit ang dali naman?!" Tanong ko at medyo nagulat.
"Mabuti nga at ngayong oras sila dumating sa Zamboanga, hindi kagabi. Umulan ng malakas kagabi kaya cancel ang iilang flight papuntang Zamboanga."
Napatango naman ako. Oo umulan kagabi, mga alas syiete. Saktong pag-alis nina Martin ay biglang bumuhos ang malakas ng ulan at dahil sa ulan, nakatulog ako kahit papano.
"A-Anong gagawin natin ngayon, Tita?"
Wala pa akong balak na mag painterview tungkol dito dahil masyado pang masakit, at presko pa sa puso at isipan ko ang panlolokong ginawa ni Martin sa akin.
"Doon muna tayo pansamantala sa bahay ni Aeiou."
Napaawang naman ang bibig ko sa narinig. Ano raw?! Sa bahay ni Aeiou?
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
RomanceSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...