CHAPTER 18

1.1K 65 35
                                    

"Yo girl, ang galing mo doon sa interview! Idol na talaga kita!" Pang-aasar sa akin ni Yvette.

Hindi ko na lang namam pinakinggan ang sinabing 'yon ni Yvette  at itinuon na lang ang atensyon sa labas ng sasakyan. Nasa loob kasi kami ng sasakyan papunta sa school nina Valkyrie. Nag-aya kasi ang bruha na magbabasket ball daw 'yong mga lalaki, exhibition lang naman, ito kasing si Michael hambog. Ayan tuloy napilitan na naman si Aeiou na sumama sa amin, buti na nga lang at hindi s'ya busy sa construction site.

"Kayo huh! Akala mo hindi ko alam!" Pangingiliti ni Delaney sa tagiliran ko. S'ya kasi ang katabi ko sa upuan.

"Problema mo?!" Galit na tanong ko hahang inaalis ang daliri n'ya sa tagiliran ko.

Ano bang mga problema ng mga tao dito? Kung hindi mang-iinis, mangungulit naman.

"Ay may dalaw s'ya, 'wag ninyong anuhin!" Tawa ni Valkyrie sa likod namin habang binubuksan ang chitchiriya na dala n'ya.

"Penge nga." Usal ko sabay pasok ng kamay ko sa loob ng chitchiriyan

"Ay wow?"

Katulad nang ginawa ko kanina, hindi ko ulit sila pinakinggan at inihilig na lang ang ulo sa bintana. Si Sergie ang nagnapatakbo ng sasakyan, habang nasa tabi naman n'ya si Camari. Mukhang tulog ang asawa n'ya, hindi kasi maingay habang si Sergie naman ay tahimik lang at ang atensyon ay nasa kalsada.

"Pare, anong problema ng girlfriend mo?" Rinig kong tanong ni Michael kay Aeiou. Sila kasi ang magkatabi sa upuan.

Agad naman akong napalingon kay Michael ng may nakakunot na noo. "Anong girlfriend ang pinagsasabi mo d'yan?"

Anong pinagsasabi n'ya? May makarinig na naman n-yan na may relasyon kami ni Aeiou gagawa na naman sila ng issue. Katulad last week.

Isang linggo na rin kasi ang nakakaraan matapos akong magpainterview ng live, at masasabi ko na hindi na ako kinukulit ng mga media or ninuman. Sinagot ko kasi ang lahat ng tanong nila doon sa interview, kaya kung may hindi sila maintindihan, manood na lang sila ng youtube tapos replay nila 'yong video.

"Girlfriend." Casual ni Michael, na para bang walang masama sa sinabi n'ya. "Babaeng kaibigan." Simple n'yang sagot at halata sa mukha n'ya ang pagtataka.

Tsk. Akala ko kung anong girlfriend na, 'yon lang pala. Binalik ko na  ulit ang atensyon ko sa labas ng bintana.

"Ahh, akala ko kung ano na.." Si Yvette ang sumagot.

"Bakit? Anong akala n-yo?" Kunot noong tanong ni Michael habang nililingon isa-isa ang mga kaibigan ko. Nakita ko kasi na pinatitigan n'ya isa-isa ang mga kaibigan namin sa reflection ng salamin ng van. "Ah, kayo, huh!" Nakangiting sigaw ni Michael. "Pero mas gusto ko 'yong mga iniisip mo! Lalo ka na Sydney!" Turo ni Michael sa akin at pagkatapos nito si Aeiou naman ang tinuro n'ya sabay kindat. Ngumiti lang naman ng kimi si Aeiou.

"Alam n'yo, may hindi talaga kayo sinasabi sa amin, especially sa akin." Pag-oopen ng topic ni Valkyrie. "Papano kayo naging friend?" Lingon nito sa akin. "Balita ko, bestfriend kayo since bata pa?" Dagdag pa nito habang ang mga mata ay palipat-lipat sa akin at kay Aeiou.

"Ang chismoso mo alam mo ba 'yon?!" Hindi ko na mapigilan ang mapairap sa kan'ya.

Ang dami nilang tanong sa akin.

"Yeah I know, I'm a journalist, right? So ano pa bang maaasahan mo sa aming mga journalist? Edi maghanap ng chismis. It's our work." Prenteng sagot ni Valkyrie at parang wala lamang ito sa kan'ya. Napalingon naman ako sa likod ko habang nakakunot ang noo.

"We're bestfriend since bata pa kami. I think, I'm just five?" Pagkukuwento ko habang nag-iisip.

"Ouch ang sakit! Akala ko pa naman kami 'yong first bestfriend mo!" Usal ni Yvette habang umaakto na nasasaktan.

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon