"You sure with this Sydney?" Tanong ulit ni Ms. Rhea Iligan. She's the ADC Film President.
Napasinghap naman ako ng maraming hangin at hindi kalaunan ay ibinuga na rin. "Katulad ng sagot ko kanina 'yon lang din po ang sagot ko." Ngiti ko at marahang tumango. "Pinag-isipan ko po ito ng mabuti, naghihinayang po ako sa five years—"
"Then renew your contract with us. Diba, ito ang pangarap mo? Diba, sabi mo matagal mo ng gustong maging artista? Then renew your contract. Hindi sa pinipilit kita but," Hinto n'ya sabay hawak sa kamay ko. "Pa'no na ang mga projects mo? Ang dami—"
"Umm...I think about it twice, but ummm..." Nahihirapan kong pagsasalita at pekeng natawa. "Alam ko na ang pangit pakinggan na hindi na ako magrerenew ng contract. Ang pangit pakinggan na matapos n'yo kong tulungan, pasikatin, at bihisan aalis rin pala ako." Tawa ko ulit nang peke. Napalingon naman ako sa kamay ni Ms. Rhea na ngayon ay unti-unti ng umaalis sa kamay ko. "After five years pala aalis rin ako. Sorry Ms. Rhea and Mr. Cleo Iligan." Lingon ko sa magasawang Iligan na ngayon ay nasa harap ko. Mr. Cleo Iligan is the CEO and Chairman of ADC Network. "Nakakabastos pakinggan itong ginagawa ko. Lumalabas kasi na para akong walang utang na loob sa inyo—"
"No, Sydney. Alam namin na may dahilan ka kaya mo napiling huwag nang magrenew ng contract. Everything have a reason, right?" Ngiti ni Mr. Cleo sa akin.
Tumango naman ako bilang sagot. May dahilan naman kasi ako kaya ko napiling umalis na sa industriya ng showbiz.
"Matanda na sina Mama at Papa. Solong anak lang ako, wala akong kapatid. Napapaisip ako na sinong mag-aalaga sa kanila kapag magkakasakit man sila? Sinong magbabantay sa kanila? Madalang na lang ako kung umuwi ng Zamboanga. Kung hindi pa dahil sa project ko doon sa Zamboanga hindi pa ako makakauwi sa amin." Tawa ko habang ang mga mata ay nasa mesa. Totoo naman kasi. Kung hindi pa dahil sa drama na gagawin ko sana hindi pa ako makakauwi sa bahay, hindi ko pa makakasama sina Mama at Papa.
"'Yan lang ba talaga ang rason mo Sydney? Kasi sa totoo lang, puwede mo naman silang dalhin dito sa Manila. Magmigrate sila para palagi mo na silang nakakasama, para palagi na kayong magkasama, diba?" Si Ms. Rhea.
Tama naman s'ya. Ngayon ko lang naisip na puwede ko palang dalhin sina Mama at Papa dito sa Manila.
"Is this because of the issue?" Biglang tanong ni Mr. Iligan.
Napalingon naman ako sa kan'ya. Nginitian lang naman ako ni Mr. Iligan.
"I know it's very hard for you to get through. Lahat ng sisi napunta sa iyo, lahat ng galit sinalo mo." Mr. Iligan suddenly stopped. "Hindi ko nga alam kung bakit ikaw ang sinisi ng mga tao, ikaw na nga ang niloko ikaw pa itong lumalabas na masama, na kontrabida. But...past na 'yon. Let's just forget about it and let's focus on our future." Tango-tango ni Mr. Iligan.
Napangiti naman ako.
Isa rin naman sa mga dahilan ko ang issue kaya ko napiling umalis na sa mundo ng showbiz. Alam ko na kahit patay na ang issue, alam ko sa sarili ko na mabubuhay at mabubuhay pa rin ito. Almost one week na rin kasi ang nakakalipas matapos kong malaman na buntis si Ericka at ang tatay ay si Tita. Mas pinili na lang namin ni Tita na umalis, upang makaiwas sa mga panibagong issue na magaganap. Wala naman akong nakikita sa social media na issue about me or about us. Pero mabuti na 'yong umiiwas ,diba? Nakakasawa na rin kasi.
Walang nagsasalita sa pagitan naming lahat. Nanatili lamang akong nakatitig kay Mr. and Mrs. Iligan. Sa tingin ko mga nasa sixty-plus years old na itong si Mr. Iligan habang si Mrs. Iligan naman ay sa tingin ko mga nasa sixty-plus na rin, pero hindi mahahalata sa kanilang itsura, lalong-lalo na sa kanilang postura na sila ay matanda na pala. Well mayaman kasi.
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
RomanceSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...