"Sydney!" Sigaw ng isang lalaki mula sa malayo.
Dahil sa pagtawag na iyon, agad niyang naagaw ang atensyon ko kaya napalingon ako sa harap, para makita kung sino ang tumatawag sa akin.
"Daniel!" Nakangiti kong kaway sa kan'ya.
"Hello," Nakangiting bati ni Daniel sa akin nang makalapit na ito sa pwesto namin. Kitang-kita tuloy ang dalawang dimples n'ya. "Hello din po." Bati din n'ya kay Tita Pinty.
Matagal nang kilala ni Tita Pinty si Daniel, nakilala n'ya ito noong nagkatrabaho kami ni Daniel sa isang drama. Masasabi ko na magaling si'ang umarte at professional kung magtrabaho.
Wala namang salita ang lumabas sa bibig ni Tita, ngumiti lang s'ya kay Daniel at itinuon ang atensyon sa kabuuan ng construction site.
Andito kami ngayon ni Tita Pinty sa isang construction site, kung saan daw magsisimula ang taping namin. Sinadya talaga naming pumunta ni Tita Pinty dito para makita kung safe ba ito para sa akin. Well, wala naman akong pagdududa sa mga staff ng drama namin, pero itong si Tita Pinty mapilit kasi, as if naman na gusto n'ya dito. Eh ayaw n'ya ngang pumunta sa mga construction site dahil daw may mga construction worker na nagca-cat calling pero kahit hindi n'ya sabihin alam ko naman ang pakay n'ya dito. Ang maghanap ng gwapong lalaki. Pero sa tingin ko 'yong pinsan ni Daniel ang habol n'ya dito, lalaki daw kasi at ang sabi n'ya sa akin ay gwapo raw.
"Napaaga yata ang dating n'yo, huh." Tawa ni Daniel sabay kamot ng ulo.
Nang marinig ko siyang tumawa, tumawa na rin ako.
Nakakahiya naman sobrang aga pa pala, pero twelve pm na nga, maaga pa ba para sa kan'ya ang twelve pm?
"Eh..."
Nakakahiya naman, hindi ko alam kung papano ito sasabihin sa kan'ya. Baka isipin n'ya na ang pakay namin dito ay 'yong pinsan n'ya, kahit hindi naman.
"May pupuntahan pa kasi kami ni Tita Pinty, kaya napaaga ang dating namin dito sa construction site." Pagpapaliwanang ko kahit hindi naman totoo.
Ito na lang kasi ang sa tingin kong safety way para hindi mapahiya.
"Huh?" Naguguluhan na tanong ni Daniel sabay lingon kay Tita Pinty.
"Huh?" Usal ko rin sa kanya, habang ang mukha ay nahihiya. Hindi ko s'ya maintindihan. Ano ba kasi ang ibig n'yang sabihin?
"Ang gusto kong sabihin ay napaaga 'yong dating ninyo dito sa Zamboanga. Diba no'ng isang araw lang tinatawagan ni Direk Flor si Tita Pinty?"
Napataas naman ako ng kilay. Mas lalo akong naguguluhan, parang may tinutumbok s'ya pero paligoy-ligoy lang.
"Yes? Why?" Tanong ko sa kan'ya habang nakataas ang kilay.
Nakakalito s'yang kausap. Ano ba kasi talaga ang gusto n'yang sabihin?
"Wala! Kalimutan mo na lang 'yon!" Agad na binawi ni Daniel ang nauna nitong sinabi, habang ang mukha ay parang natatakot.
Natatakot ba s'ya sa akin? Nakakatakot ba ang mukha ko?
"Sabihin mo na, paligoy-ligoy ka kasi kaya hindi tayo nagkakaintindihan, eh."
Napasinghap naman s'ya.
"Okay, hindi sa pagiging ano huh...sa pagiging mean, I'm just asking, okay? Ang dali n'yo namang nakarating dito sa Zamboanga, a day after the call nakarating agad kayo. I mean, ang aga naman." Wika nya na para bang nahihirapan siyang sabihin ito.
Agad naman akong napatango ng ulo nang maintindihan ko na kung ano ang gusto n'yang sabibin.
"Ang sabi kasi sa akin ni Tita Pinty ay ASAP raw kaya agad kaming pumunta dito." Pagpapaliwanag ko sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
RomansaSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...