"Oh? Anong mukha 'yan Sydney? Bakit parang galit na galit ka? Anong ginawa ko sa iyo?!" Tanong ni Tita sa akin habang ang boses ay nagsisimula nang tumaas.
Napaaangat naman ako ng tingin sa kan'ya habang ang mukha ay nakabusangot pa rin.
"Eh? Sino ba ang nagsabi na sa'yo ako galit?" Tanong ko rin sa kan'ya habang nakacrossed arm. Tsk, hindi naman kasi ako sa kan'ya galit, sa ibang tao ako galit.
Napakunot naman ang noo ni Tita sa akin. "Eh kanino pala?" Tanong n'ya ulit sabay lingon sa katabi n'ya. Kay Ericka. "Hoy, Ericka! Anong ginawa mo kay Sydney, huh?!" Tanong n'ya rin kay Ericka.
"Aba! Malay ko?" Kibit-balikat namang sagot ni Ericka habang nakakunot rin ang noo. "Wala naman akong ginawa, ah!" Dagdag n'ya pa sabay turo sa akin.
Napailing na lang ako sa dalawang ito. Kung makapag-usap sila parang hindi sila magjowa, palagi na lang silang ganito.
"Alam n'yo TITO JAMES, and ERICKA, parang hindi kayo magjowa, alam nyo ba iyon?" Asik na tanong ko sa kanilang dalawa sabay tayo sa pagkakaupo.
Kagabi kasi, mga bandang alas onse ay nagising ako. Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa kusina at pagkadating ko sa kusina, nagulat ako sa aking nakita. They were kissing in the kitchen. Huling-huli na sila sa akto, tatanggi pa talaga. Pero kalaunan inamin na rin naman nila sa akin.
"Hoy Sydney 'yang bibig mo! May makarinig talaga sa iyo!" Si Tita Pinty habang ang kan'yang mukha ay pulang-pula na. Napalingon naman ako kay Ericka na ngayon ay nakangisi at nilalaban ang bawat titig ko sa kan'ya.
"Naku, Hon, 'wag ka ng mahiya!" Panunukso ni Ericka sa kan'yang nobyo habang ang kan'yang isang kilay ay tumataas baba at ang kan'yang mga ngiti ay kakaiba.
"H-Hoy! Umayos kayo! May makarinig talaga sa inyo!"
I know na lalaki na ngayon si Tita Pinty, kasi nga mahal na daw n'ya si Ericka. I don't know kung papano 'yon nangyari. Hindi ko alam kung papano s'ya nainlove kay Ericka, basta pagdating ko na lang dito sila na, at naghahalikan pa talaga.
"Sino namang makakarinig? Tayong tatlo lang ang nandito. 'Yong ipis? 'Yong daga?" Halos sabay na wika namin ni Ericka. Napalingon naman ako kay Ericka habang ang bibig ay nakaawang at hindi kalaunan ay natawa na.
Sabay pa talaga kami.
"Naku Tita at este Tito -"
"Hoy Sydney! Anong Tito ka dyan!" Agad na pag sasalita ni Tita Pinty. "Diba sabi ko sa iyo Tita pa rin yung tawag mo sa akin?! Kasi baka may makarinig, edi another ISSUE NANAMAN."
Bigla naman akong natameme dahil sa sinabi nya at biglang nag bago ang mood ko. Tama rin naman sya, I should call him Tita instead of Tito. Napaupo na lang ulit ako sa sofa. Ayos lang naman sa akin kung Tita yung itawag ko sa kaniya, sanay na rin naman ako na tita yung tawag ko sa kaniya. Siguro nga mas accurate na tawagin ko syang tita kesa sa tito. Nakaka panibago lang kasi.
"Teka nga?! Anong oras na ba? At bakit wala pa rin yung magaling mong boyfriend? Nasaan na ba yung BOYFRIEND MO SYDNEY?!" Pag sasalita ni Tita habang nililibot ang ulo sa kabuuan ng kaniyang condo.
Napasinghap na lang ako ng hangin at nag kibit-balikat.
Ang sabi nya sa akin kagabi, ala una ng tanghali sya dadating dito sa Manila, pero alas tres na wala pa rin sya.
"Ah knows ko na kung bakit sya nag kakaganyan!" Malakas na tawa ni Ericka. "Alam mo Sydney, baka nambabae na iyo-"
"Hoy Ericka! Alam mo hindi ka nakakatulong eh?! Alam mo yon!" Pag puputol ni Tita Pinty sa dapat na sasabihin ni Ericka gamit ang kaniyang kamay na ngayon ay nasa bibig na ni Ericka. Imbes na magalit naman si Ericka dahil sa ginawa ni Tita, mukhang kinikilig pa ang bruha.
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
RomanceSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...