Napamulat ako nang mga mata ng maramdamang dumadampi na sa mukha ko ang sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kuwarto.
Anong oras na?!
Agad akong napaupo sa kama habang nakapikit pa rin ang mga mata at ang dalawang braso ay iniinat.
"Sydney!" Biglang sigaw ng kung sino, pero kahit nakapikit ako, sigurado akong kay Tita Pinty 'yon.
Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lamang ako sa ginagawang pag-iinat.
"Sydney!" Sigaw ulit nito sabay alog ng katawan ko.
Dahil sa pag-alog na 'yon naramdaman ko kaagad ang unti-unting paggising ng katawan ko.
"Syd—"
"Oo na Tita! Gigising na!" Sigaw ko sa mismong mukha n'ya habang may galit sa tono ng pananalita.
Nakakainis kasi, alam na bagong gising ang tao, kung makasigaw wagas! Inalis ko naman agad ang dalawa n'yang kamay na madiing nakakapit sa dalawa kong braso.
"Hmmpp! Ang baho ng bibig mo!" Reklamo nito habang ang isang palad ay nakatakip sa ilong at bibig. Umurong pa ito ng konti sa akin.
Napakunot naman ako ng noo. Bakit may tao bang mabango ang bibig kapag bagong gising? Wala naman, diba? Kahit sinong artista kapag bagong gising mabaho talaga ang bibig kapag gigising dahil sa tuyong laway at dahil na rin nakaserado nang buong magdamag ang bibig. At kung makabaho s'ya...para namang mabango ang bibig n'ya.
"Eh, alam mo namang bagong gising ako, tapos lapit ka pa rin nang lapit sa akin?! At bakit? 'Yang bibig mo ba kapag bagong gising mabango?! Amoy mint?" Tumawa ako ng peke. "Amoy patay na daga!" Inirapan ko s'ya.
Nakakainis, umagang-umaga ang init kaagad ng ulo ko.
"Oo na!" Umirap ito habang malayo pa rin sa akin at nakatakip pa din ang palad sa bibig n'ya.
OA to!
"Bakit ba? Bakit ka ba nandito sa kwarto ko? Ang aga-aga nambubulabog ka?!"
Gulat naman akong nilingon ni Tita at parang gusto na nitong matawa. "Anong kuwarto mo? Nanaginip ka ba?! Hoy! Nasa bahay tayo ni Aeiou, baka nakakalimutan mo!"
Napahinto naman ako at tiyaka ko lamang natandaan na umalis pala kami kanina sa bahay para taguan ang mga media na papunta na sa bahay namin. Agad ko namang nilibot ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto, baka kasi andito si Aeiou at narinig n'ya 'yong sinabi ko kanina. Nakakahiya! Ang lakas lakas pa naman ng pagkakasigaw ko no'n! Siguro kung narinig n'ya man 'yon pinagtatawanan na n'ya ako.
"Eh, bakit ka ba kasi andito?!" Galit ko pa ring tanong. Hindi ko pinapahalata na kinakabahan ako at nahihiya sa sinabi ko kanina.
Ngumiti naman ng malapad si Tita at nagsimula nang magtitili. Kaagad ko namang tinakpan ang dalawa kong tenga.
"Bakit ka ba sumisigaw?! Ang sakit sa tenga!"
"Andiyan na kasi ang mga media sa baba." Kinikilig nitong sagot pero hindi sa pasigaw na paraan.
Kaagad naman akong napatayo at dahan-dahan na sumilip sa bintana. Kinabahan ako bigla nang makitang maraming naghihintay sa labas ng bahay namin at may iilan ring kumakatok sa gate pero hindi lumalabas sina Mama o Papa, nanatiling nakaserado ang gate namin.
Napahawak ako sa puso ko at pinipigilan ang sarili na magsalita. Natatakot kasi akong marinig nila ang boses ko at baka pati si Aeiou ay kulitin nila.
"Diba ang ganda!" Akbay ni Tita sa akin sabay hawi ng kurtinang tumatakip sa bintana. Dalawa na kami ngayong sumilip sa bintana.
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
RomanceSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...