"Sydney! Ano na?! Papunta na kami d'yan sa inyo. Isama mo si Aeiou, ha?! Total, linggo naman ngayon. Siguro wala naman 'yong pasok, diba? Pagselosin natin si Yvette."
Agad naman akong napabalikwas sa pagkakahiga ko at tiyaka ko lang napagtwnto na linggo pala ngayon, at ngayon kami pupunta sa hospital para sa ultrasound ni Camari! Jusko! Two months pregnant na pala s'ya!
"Oh Sydney? And'yan ka pa ba?" Tanong ni Delaney sa akin. S'ya kasi ang tumatawag.
"A-Ah oo." Sagot ko at pasimpleng bumaba sa kama.
"Malapit na kami sa inyo. Ano? Naliligo ka na ba? O nagbibihis?"
Napahinto naman ako sa tanong n'ya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Naliligo?
Nagbibihis?
Kagigising ko pa lang!
"Sydney?!"
"A-ah oo! Nagbibihis na ako!" Pagsisinungaling ko kahit na ang totoo ay hindi pa naman. Hindi pa nga ako nakakaligo. Bihis pa kaya? "Sige na, para pagdating n'yo dito, aalis na lang tayo." Sabi ko pa sabay patay ng tawag.
Pagkababa ko ng cellphone sa kama, wala na akong sinayang pa na oras, agad kong dinampot ang tuwalya sa likod ng pinto at agad itong inilagay sa balikat ko at dali-daling lumabas sa kuwarto.
Nakakainis naman, oh! Ito 'yong pinakaayaw ko sa lahat. 'Yong magiging late ako. Nakakainis naman, oh! Nawala kasi sa utak ko na ngayon na pala 'yon. Ang dali lang naman kasi. Two months pregnant na agad s'ya!
"Sydney?! Bakit parang nagmamadali ka? Saan ka pupunta?" Salubong na tanong ni Mama pagkababa ko ng hagdanan.
"A-Ah, wala bang tao sa cr?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Mama. Nagmamadali ako ngayon. Baka mamaya nandito na sila, tapos ang sabi ko, naliligo na ako. Kahit ang totoo ay hindi pa naman talaga.
Kumunot naman ang noo ni Mama. "Wala naman. Katatapos lang ng Papa mong maligo."
Agad naman akong tumango at dumiretcho agad sa kusina. Pagkapasok ko sa kusina, nadatnan ko si Papa na nagkakape at nakaporma. Saan kaya s'ya pupunta?
Hindi ko na lang ito pinansin at pumasok na lang sa loob ng CR.
I'm running out of time! Nakakainis naman kasi! Nakalimutan ko na ngayon na pala 'yon! Si Aeiou kasi, eh! Nakakainis! S'ya na lang kasi ang palagi kong iniisip this past few weeks! Nakakainis!
One week pa lang kaming magkarelasyon. Sa one week na 'yon, palagi n'ya akong tinatawagan. Palagi n'ya akong tinatanong kung ano ba daw ang ginagawa ko? Ano daw ba ang gusto kong kainin? Kasi raw bibilhan daw n'ya ako. Kulang na nga lang pati ang kulay ng tae ko ay sabihin ko sa kan'ya. Tanong kasi nang tanong. Sa one week naming magkarelasyon, hindi pa rin s'ya nagbabago, gano'n pa rin s'ya. Mas lalo s'yang naging maalaga sa akin, at mas lalo s'yang naging sweet. Siguro, dahil bago pa lang kami, kaya gano'n pa s'ya, kaya ang bait-bait n'ya pa. Siguro, kapag umabot na kami ng one year, siguro doon ko makikita ang totoo n'yang kulay. Ang totoong Aeiou.
No'ng bago pa lamng kami ni Martin, ganito rin s'ya. He's so sweet and caring. Ngiti s'ya namg ngiti sa akin. Ang bait-bait n'ya pa. Pero, nang umabot na ng isang taon ang relasyon namin, wala na. Nagbago na s-ya, lumabas na ang totoo n'yang kulay, nakita ko na ang totoong Martin. Malayong-malayo sa Martin na una kong nakilala.
Alam kong masamang mangumpara ng tao. Alam ko na hindi si Aeiou si Martin. Alam kong magkaiba sila. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na ikumapara silang dalawa sa isa't isa. Ang sabi ng iba: 'Sa unang mga araw at buwan ay hindi mo pa makikita ang totoong s'ya, hindi mo pa makikita ang totoo n'yang ugali. Maaari na ang ipinapakita n'ya sa 'yo ay maskara lamang sa totoong s'ya."
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
RomanceSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...